^

Bansa

Pagpapatupad ng Pinas sa Maritime Zones Law, ‘di mapipigil ng Tsina

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Pagpapatupad ng Pinas sa Maritime Zones Law, �di mapipigil ng Tsina
Ibinahagi niya na ang pagpasa ng Maritime Zones Law ay hindi ang katapusan dahil isa pang batas, ang Archipelagic Sea Lane Law, ay dapat na maipahayag. Dagdag pa niya, tutukuyin nito kung saan daraan ang mga domestic at dayuhang barko sa kanilang pagtawid sa karagatan ng Pilipinas.
Armed Forces of the Philippines / Facebook page

MANILA, Philippines — Sa kabila ng pagtutol ng China sa Philippine Maritime Zones Law na pirma na lamang ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang hinihintay, sinabi ni Sen. Francis “Tol” Tolentino na siyang may-akda nito, na hindi mapipigilan ang Pilipinas sa pagpapatupad ng nasabing batas.

Aniya, itinatakda nito ang mga hanggahang pandagat ng teritoryo ng Pilipinas, ang dulo ng territorial sea nito, ang simula ng magkadikit na sona, at ang dulo ng seabed hanggang sa exclusive economic zone (EEZ) nito.

Ibinahagi niya na ang pagpasa ng Maritime Zones Law ay hindi ang katapusan dahil isa pang batas, ang Archipelagic Sea Lane Law, ay dapat na maipahayag. Dagdag pa niya, tutukuyin nito kung saan daraan ang mga domestic at dayuhang barko sa kanilang pagtawid sa karagatan ng Pilipinas.

Ipinaliwanag pa niya na ang Maritime Zones Law ay pinagtibay ang isinasaad ng United Nations Con on the Law of the Sea (UNCLOS): na ang Pilipinas ay may sovereign rights.

Sa madaling salita, ang mga Pilipino ay maaaring mangisda sa loob ng EEZ, magkaroon ng domain sa ibabaw ng sea bed at sa ilalim ng lupa, at mag-explore, mag-exploit at magsagawa ng scientific activities.

vuukle comment

MARITIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with