^

Bansa

Tagaytay nangunang LGU para sa turismo sa Cavite

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa mahigit 6.5 milyong same-day vistor arrivals sa fourth quarter ng 2023, ang Tagaytay City ang naging nangu­ngunang local government unit para sa turismo sa lalawigan ng Cavite, iniulat ng Office of the Provincial Tourism Office noong Lunes, Abril 29.

Batay sa kanilang datos, nasa 268,065 na turista ang bumisita sa Tagaytay para sa overnight trip mula Oktubre hanggang Disyembre ng 2023.

Kilala bilang isa sa mga pinakasikat na destinasyon sa bansa dahil sa ­tanawin at malamig na klima nito, ipinagmamalaki ng Tagaytay ang ilang tourist destination tulad ng People’s Park in the Sky, Picnic Grove, Pink Sisters Convent at Skyranch, bukod sa iba pa.

Nasa lungsod ding ito ang magandang tanawin ng sikat sa buong mundo na Taal Volcano Island, dahil matatanaw dito ang Taal Lake sa Batangas.

“It is the city’s majestic views everywhere especially the great view of the world’s famous Taal Volcano and the people’s very hospitable approach that welcome visitors coming from different places. Everybody’s welcome to Tagaytay City,” ani Tagaytay City Mayor Abraham Tolentino.

Kilala rin ang lungsod sa 24/7 sa kaligtasan at seguridad saan man panig nito.

Samantala, pumangalawa sa Tagaytay ang Silang, na nagtala ng14,292 sa same-day vistor at overnight trip . Pumangatlo ang Dasmariñas City, sinundan ng Kawit, Trece Martires City at Naic.

“We are expecting the numbers to grow this year as Tagaytay will always be the city for everybody including to foreigners,” dagdag ni Tolentino.

Isa pa sa dinarayo din sa Tagaytay  ang pamosong mainit na “bulalo soup” at iba pang pagkain.

TAGAYTAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with