^

Bansa

Pagwasak ng Chinese sa payaw sa West Philippine Sea, dapat iprotesta

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dapat maghain ng diplomatic protest ang gobyerno ng Pilipinas sa ginawang pagwasak ng mga Chinese sa payaw (fish aggregating device) na inilagay ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) upang tulungan ang mga Pilipinong mangingisda sa West Philippine Sea (WPS), ayon kay Senator Francis “Tol” Tolentino.

“If that is true (Chinese cutting the payaw), that’s another ground for filing a diplomatic protest. But just the same, it must not deter BFAR from putting up more payaw in the future. Let us install it again,” sabi ni Tolentino matapos tanungin ng media hinggil sa nasabing insidente.

Iniulat ng Department of Foreign Affairs (DFA) noong 2023 na nakapaghain na ang Pilipinas ng 444  diplomatikong protesta laban sa mga iligal na aktibidad ng China sa WPS mula noong 2020 subalit walang aksyon ang China.

Dagdag niya, dapat ibalik ng mga Chinese ang kanilang pinutol at tinanggal na payaw batay sa imbentaryo kung ilan ang nawala.

Posible ani Tolentino na maaaring naalarma ang China sa patuloy na pagsasanay ng PH-US Balikatan sa WPS at sa patuloy na pagpapalakas ng alyansa ng Pilipinas sa ibang mga bansa.

Ibinunyag niya na ang mga kinatawan mula sa 14 bansa, kabilang ang Japan, South Korea, India, Canada, United Kingdom, France, Thailand, Singapore, Vietnam, Indonesia, Brunei, Malaysia, Germany, at New Zealand, ay kasalukuyang inoobserbahan ang PH-US Balikatan.

Bilang tugon sa pahayag ng Chinese Embassy na nagbabala sa Pilipinas na itigil ang mga provocative actions sa WPS, iginiit ni Tolentino na walang bansa na maaaring magdikta sa Pilipinas kung ano ang dapat gawin sa teritoryo nito.

Sa kabila ng pagdedeklara ng Chinese Embassy na isang provocative action ang Balikatan, nilinaw ni Tolentino na ginagawa na ito ng Pilipinas simula pa noong 1990s, at ang Mutual Defense Agreement sa US ay nilagdaan noong 1951.

vuukle comment

WPS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with