^

Bansa

Gawad parangal ng UNAP sa mga natatanging Pilipino

Pilipino Star Ngayon
Gawad parangal ng UNAP sa mga natatanging Pilipino
Mga tumanggap ng Pa- rangal. Mula sa kaliwa: Dating San Juan City Mayor Guia Gomez, Senator Cynthia Villar, Ambassador Rosario Manalo at Congress- man Roman Romulo. Hindi kasama sa larawan ang nagga- wad ng parangal na si Dr. Ramona Ines Bustamante Ra?eses, Pangulo ng UNAP at si Roderick Cruz ang P a n g u l o n g U N A P Global
STAR/ File

MANILA, Philippines — Iginawad ng United Nations Association of the Philippines (UNAP) ang Human Rights Awards sa apat na natatanging Pilipino na nagkaroon ng mahalagang kontribusyon sa pagpapatupad ng United Nations (UN) Sustainable Development Goals (SDGs) sa pamamagitan ng kanilang mga programa, proyekto at adbokasiya.

Ang parangal na pinamunuan ng Pambansang Pangulo ng UNAP na si Dr. Ramona Ines Bustamante Ra?eses at Pangulo ng UNAP Global Chapter na si Roderick Cruz ay ginanap noong Marso 26, 2024 sa Manila Hotel.

Ang nasabing parangal ay bahagi ng pagdiriwang ng UNAP ng International Women’s Day, National Women’s Month, World Theater Day and World Theater Week. Ang apat na pinarangalan ay masusing pinili ayon sa larangan ng kanilang panunungkulan.

Naging makabuluhan ang naturang okasyon dahil inilunsad din ng UNAP ang kanyang Global Chapter upang maging mekanismo nito para hikayatin ang mga overseas Filipinos na maki­bahagi sa pagpapatupad ng SDGs sa mga dayuhang bansa. Bilang isang organi­sasyon sa Pilipinas na itinatag ng dating UN Secretary General Carlos P. Romulo noong 1947, ang UNAP ay patuloy na gagampanan ang kanyang papel bilang kabalikat ng UN sa pagpapatupad ng adhikain nito sa Pilipinas.

vuukle comment

UN

UNAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with