^

Bansa

Pagbasura sa rice liberalization 'solusyon vs rice inflation' — KMP

James Relativo - Philstar.com
Pagbasura sa rice liberalization 'solusyon vs rice inflation' — KMP
Workers unload sacks of rice at a warehouse in Tondo, Manila on February 24, 2024.
The STAR/Ernie Penaredondo

MANILA, Philippines — Itinutulak ngayon ng isang progresibong grupo ng mga magsasaka ang pagbabasura sa Rice Liberalization Law sa gitna ng mabilis na pagtaas ng presyo ng bigas at mababang procurement ng gobyerno ng bigas.

Ito ang iminungkahi ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) ngayong Miyerkules matapos tumulin ang inflation rate sa 3.7% primarya dahil sa presyo ng pagkain. Kaugnay nito, bigo ang National Food Authority (NFA) na makamit ang target sa pagbili ng bigas.

"Farmers are willing to sell to the NFA if only the agency would offer a higher buying price. Sobrang taas pa rin ng gastos sa produksyon sa bawat ektarya ng palay. Kung barat ang bili ng NFA sa palay ng mga magsasaka, wala nang kikitain o lugi na ang mga magsasaka," wika ni KMP Chairperson Danilo Ramos.

"Farmers should also collectively assert for a higher buying price from the NFA."

Tumutukoy ang rice buffer stock sa rice inventory na pinananatili ng gobyerno para sa emergency situations, ayon sa Republic Act 11203 o Rice Liberalization Law. Ginagamit ito tuwing may disaster relief programs ng gobyerno tuwing may sakuna.

Tumutukoy din ang salitang buffer stock sa commodity gaya ng bigas na siyang binibili ng gobyerno para ipamahagi sa tuwing matataas ang presyo upang ma-stabilize ang merkado.

Kasalukuyang binibili ng gobyerno ang bigas sa presyong P23/kilo habang binibili ito ng private traders sa mas mataas na halaga, bagay na dahilan aniya kung bakit nauungusan ng huli ang estado sa pananaw ng KMP.

Wika ng grupo, sadyang lamang ang mga pribadong rice traders sa ilalim ng RA 11203 kung kaya't nagkakaroon aniya ng kontrol ang mga nabanggit sa suplay at presyo ng bigas.

Matatandaang tinatanggal ng RA 11203 ang limitasyon ng dayuhang bigas na maaaring ipasok sa bansa kapalit ng pagbabayad ng taripa. Dahil dito, itinuturo ito ng ilang magsasaka sa pagkalugi ng mga lokal na magbubukid.

"First, we must protect the rice industry and our rice lands, we need a substantial farm inputs support program, a socialized credit program for rice farmers, an accelerated irrigation development program, and a post-harvest development program," patuloy ni Ramos.

"To have a steady rice supply, the government must significantly subsidize the cost of palay production. However, it gave free rein to rice traders to control the rice industry."

"Dapat nang itaas ang presyo ng pagbili ng palay mula sa mga magsasaka."

Bigas at inflation

Una nang sinabi ng Philippine Statistics Authority (PSA) naa tumaas ang inflation rate ng "cereals and cereals products" sa 17.3% noong Marso. Bahagi nito ang bigas, na siyang numero unong nag-ambag sa food inflation.

Lunes lang nang maitala ng Department of Agriculture (DA) sa sumusunod na presyo ang mga naturang local commercial rice kada kilo:

  • special: P54 hanggang P68
  • premium: P51 hanggang P58
  • well-milled: P48 hanggang P58
  • regular milled: P44 hanggang P52

Kamakailan lang nang sabihin ng DA na doble-kayod ito sa ngayon upang mapataas ang lokal na produksyon ng bigas sa Pilipinas gamit ang mas mababang gastusin para mapakalma ang food and non-food inflation.

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

FOOD

INFLATION

KILUSANG MAGBUBUKID NG PILIPINAS

LIBERALIZATION

RICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with