^

Bansa

DepEd inilipat simula ng school year 2024-2025 sa ika-29 ng Hulyo

James Relativo - Philstar.com
DepEd inilipat simula ng school year 2024-2025 sa ika-29 ng Hulyo
School visit ni Education Secretary sa Pasil Elementary School sa Cebu City noong Pebrero 2, 2024.
Facebook/Inday Sara Duterte

MANILA, Philippines — Sinimulan na ng Department of Education (DepEd) ang "dahan-dahang" pagbabalik sa lumang academic calendar, dahilan para agahan ang pagtatapos ng kasalukuyang school year.

Opisyal kasing itinalaga ng DepEd Order 3 s. 2024 ang ika-29 ng Hulyo bilang pagsisimula ng SY 2024-2025. Magtatapos naman ito sa ika-16 ng Mayo sa 2025.

"[A]ng ginawa lang natin is we adjusted the current school calendar so we will now be ending by may 31 yun yung last day natin ng school calendar for this school year," ani Education Undersecretary Michael Poa sa isang ambush interview ngayong Martes.

"Tapos noon, ang school break ay magsisimula on June 1 until July 28."

Enero lang nang kumpirmahin ng DepEd ang dahan-dahang pagbabalik sa lumang academic calendar para maipwesto ang pagsisimula ng klase pabalik ng Hunyo.

Matatandaang lumabas sa survey ng Alliance of Concerned Teachers noong 2023 na 67% ng mga guro ang nakararanas ng "intolerable heat" sa silid-aralan tuwing Marso, bagay na panahon na ng tag-init. Aniya, nakaaapekto rin daw ito sa pagbaba ng atensyon at pagtaas ng estudyanteng lumiliban.

Ani Poa, tinitignan nilang maibalik sa Hunyo ang school opening pagsapit ng SY 2026-207 para na rin mailapit sa tradisyunal na April-May school break.

"Generally, everyone wants to go back to the April to May (school break)," dagdag pa ni Poa.

"[M]eron din tayo study from [Philippine Normal University] that says the same thing. So, because ito 'yung talagang gusto ng tao, nag-decide na tayo na we should go back. But we have to do it gradually para hindi maapektuhan naman dahil learning recovery mode po talaga tayo ngayon."

Bibigyan din aniya ng leeway ang mga pribadong eskwelahang sumunod sa naturang kautusan o maglabas ng sariling schedule ng pagbabalik ng klase alinsunod sa batas. — may mga ulat mula kay Cristina Chi

ACADEMIC CALENDAR

ALLIANCE OF CONCERNED TEACHERS

DEPARTMENT OF EDUCATION

SCHOOL YEAR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with