‘Iwas Paputok ng DOH, tagumpay
MANILA, Philippines — Idineklara ni Department of Health (DOH) Secretary Ted Herbosa na tagumpay umano ang kampanya nilang “Iwas Paputok” ngayong 2023 sa kabila na umabot na sa higit 100 ang bilang ng naputukan sa buong bansa.
Ikinatwiran ni Herbosa na ang naitala kahapon na 107 kaso ng naputukan ay halos katulad lamang ng naitala noong 2022 sa parehong petsa, kaya maituturing nilang tagumpay ito dahil sa mas mahigpit ang health protocols noon.
“I’ve been practicing medicine for more than 40 years, so during my time as a young resident, we never had these [low] numbers,” ayon kay Herbosa.
“[There used to be] five hundred cases in Philippine General Hospital alone. We reached up to 800. Our bucket used to be full of [amputated] fingers,” dagdag niya.
Samantala, pinasalamatan naman ni DOH Asst. Secretary Dr. Albert Domingo, DOH Assistant Secretary, ang mga mamamahayag na nagko-cover ng kagawaran ng kalusugan sa buong 2023.
“Please get well soon for all who are down today,” ayon kay Domingo. “Thank you for helping DOH save lives and prevent injuries,” dagdag niya.
- Latest