^

Bansa

2 LPA, habagat nagpapaulan sa bansa - Pagasa

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
2 LPA, habagat nagpapaulan sa bansa - Pagasa
Ayon kay weather forecaster Aldczar Aurelio, ang mga sama ng panahon ay patuloy nilang binabantayan na pawang nasa loob ng PAR.
PAGASA Satellite

MANILA, Philippines — Maulan sa iba’t ibang bahagi ng bansa laluna sa Metro Manila dulot ng dalawang low pressure area  (LPA) at habagat na nasa loob ng Philippine area of responsibility (PAR).

Ayon kay weather forecaster Aldczar Aurelio, ang mga sama ng panahon ay patuloy nilang binabantayan na pawang nasa loob ng PAR.

Ang unang LPA ay hu­ling namataan sa layong 85 kilometro hilagang silangan ng Infanta, Quezon habang ang isa pang LPA ay nasa layong 125 kilometro silangan ng Iba, Zambales.

Niliwanag naman ni Aurelio na mababa ang tsansa ng dalawang LPA na maging ganap na bagyo.

Dulot ng naturang mga LPA at habagat ay patuloy na nakakaranas ng pag-uulan sa Luzon, Visayas at sa Zamboanga Peninsula sa Mindanao.

May pag-uulan din sa ibang lugar dulot naman ng epekto ng thunderstorms.

LPA

PAR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with