Sen. Go suportado mga solo parents sa Davao City
MANILA, Philippines — Nangako si Senator Christopher “Bong” Go na ipagpapatuloy niya ang pagsuporta sa mga solo parents na kung saan ang grupo ay nagbigay ng ayuda sa Barangay Mintal, Davao City noong Miyerkules.
Mahigit sa 100 solo parents ang nakatanggap ng mga damit, vitamins, masks, at pagkain mula sa Go’s outreach team.
Ilan naman sa benepisyaryo ay nakatanggap ng mga rubber shoes, mobile phones, at bola ng basketball at volleyball.
Si Sen. Go ay isa sa may akda at co-sponsors ng Republic Act No. 11861, na nag-amyenda sa RA 8972 o ang Solo Parents’ Welfare Act of 2000.
“Asahan n’yo po ang aking suporta sa Senado sa abot ng aking makakaya sa mga programa at batas na magbibigay ng mas maginhawang buhay sa ating mga solo parents,” wika ni Go sa isang video message.
“Katulad na lang po sa pagsulong natin sa Solo Parents Act na kung saan karamihan sa kanila ay mga kababaihan po, mga solo parents po,” dagdag pa ni Go.
Isa sa susi sa pag-amyenda sa ilalim ng RA 11861 ay magbigay ng allowance at mga mahihirap at kuwalipikadong mga solo parent para matulungan ang pangangailangan ng kanilang pamilya.
Kinikilala ng batas ang kakaibang hamon na hinaharap ng mga solo parents na nais masiguro ang pangangailangan para masuportahan ang mga anak.
Ilan sa mga benepisyo ay ang 10 percent discount sa basic necessities, tulad ng mga pagkain, micronutrient supplements, diapers, at mga kinakailangang gamot ng solo parents na kumikita lang ng mababa sa P250,000 kada taon.
Binibigyan din ng prayoridad ang solo parents na makakuha ng pabahay at livelihood programs ng pamahalaan.
- Latest