'Amang' nag-iwan ng P12.34 milyong halagang pinsala sa agrikultura
MANILA, Philippines — Nag-iwan ng milyun-milyong halaga ng pinsala ang noo'y bagyong "Amang" sa sektor ng agrikultura, bagay na nakaapekto sa mahigit 1,000 magsasaka sa iba't ibang panig ng Pilipinas.
Ayon sa datos ng Department of Agriculture - Regional Field Office V (Bicol region), Huwebes, umabot na sa P12.34 milyon ang damages and losses sa ngayon kaugnay ng sama ng panahon:
- palay: P8.07 milyon
- high value crops: P4.15 milyon
- livestock and poultry: P126,000
"[This affects] 1,324 farmers, with volume of production loss at 663.9 metric tons (MT) and 1,096.6 hectares of agricultural areas in Camarines Sur and Sorsogon," wika ng DA sa isang pahayag kanina.
"The DA continuously coordinated with concerned [National Government Agencies, Local Government Units and other Disaster Risk Reduction and Management-related offices] for the impacts of [Tropical Depression] 'AMANG', as well as available resources for interventions and assistance."
Kasalukuyan nang namamahagi ng mga sumusunod na ayuda para sa mga apektadong magsasaka at mangingisda sa ngayon:
- bigas, mais atbp. binhi
- gamot at biologics para sa mga hayop
- fingerlings at ayuda sa apektadong mangingisa mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources
- survival and recovery loan program mula sa Agricultural Credit Policy Council na may loanable amount na aabot ng P25,000 (zero interest)
- quick response fund para sa rehabilitasyon ng apektadong erya
Kanina lang nang tuluyang humina si "Amang" hanggang sa maging low pressure area na lamang.
Pauulanin ng nasabing LPA mula ngayong araw hanggang sa Biyernes ang Central Luzon, Metro Manila at CALABARZON.
- Latest