Romualdez, nag-alok ng P500K pabuya vs killers ng Adamson student
MANILA, Philippines — Nag-alok kahapon si Speaker Martin G. Romualdez ng P500,000 pabuya para sa agarang ikahuhuli ng mga suspek sa likod ng karumal-dumal na pagpatay kay John Matthew Salilig, isang chemical engineering student ng Adamson University, na hinihinalang nabiktima ng hazing.
Kinondena ni Romualdez ang pangyayari at iginiit na hindi gawain ng isang kapatiran ang patayin ang kanilang mga kasamahan.
“Brothers do not kill brothers,” ani Romualdez. “Frat-related or not, any crime that results to death deserves utmost condemnation.”
“Kung ako na hindi kamag-anak ng biktima ay hindi matanggap ang ganitong karumal-dumal na krimen, how much more ang kanyang mga magulang at pamilya?” Tanong ni Romualdez.
Ikinalungkot ni Romualdez ang kawalan ng pagpapahalaga sa buhay ng mga taong posibleng sangkot sa pagkamatay ni Salilig na itinapon sa isang open field sa Imus, Cavite.
“A loss of life is not acceptable in a civilized society like ours,” pahayag ni Romualdez.
“Wala silang pagpapahalaga sa buhay. Sa ospital nila dapat dinala ang biktima,” ayon sa Speaker.
- Latest