^

Bansa

'Hindi na bumaba': Inflation rate umapaw sa 8.7%, bagong 14-year high sa akyat presyo

James Relativo - Philstar.com
'Hindi na bumaba': Inflation rate umapaw sa 8.7%, bagong 14-year high sa akyat presyo
In this photo taken on january 19, 2023, shows customers shopping for onions at a market in Manila. Prices of the vegetable have soared in recent months, reaching as high as 800 pesos (nearly 15 USD) a kilogram in Manila supermarkets, making onions more expensive than chicken or pork.
AFP / Jam Sta. Rosa

MANILA, Philippines — Walang tigil sa pag-arangkada ang pagtaas ng presyo ng bilihin nitong Enero 2023 matapos itong pumalo sa 8.7%, ang pinakamataas simula Nobyembre 2008 sabi ng Philippine Statistics Authority, Martes.

Mas mataas ito kumpara noong Disyembre 2022, kung kailan pumalo ang presyo ng sibuyas sa 720/kilo kasabay ng Kapaskuhan, panahon kung kailan pinakamahal ang bentahan nito sa buong mundo.

"Headline inflation in the Philippines continued its uptrend as it accelerated further to 8.7% in January 2023, from 8.1% in December 2022," wika ng PSA sa isang pahayag.

"The January 2023 inflation is the highest annual rate recorded since November 2008. In January 2022, inflation was lower at 3.0%."

Primarya itong itinulak ng mas mataas na year-on-year increase sa index ng pabahay, tubig, kuryente, gas atbp. panggatong sa 8.5%, mula sa 7% lang noong Disyembre.

Sinundan ito ng pagkain at hindi nakalalasing na inumin sa 10.7%, mula sa 10.2% bago magtapos ang taong 2022.

Mas mataas ang January inflation kumpara sa naunang pagtataya ng Bangko Sentral ng Pilipinas na nasa 8.3% lang. Lalo itong mas mataas sa projection ni ING Bank senior economist Nicholas Mapa na nasa 7.8% lang.

INFLATION

PHILIPPINE STATISTICS AUTHORITY

Philstar
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with