^

Bansa

‘Paeng’ nag-iwan ng 110 patay; 33 nawawala

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
‘Paeng’ nag-iwan ng 110 patay; 33 nawawala
An aerial shot shows a flooded village in Tuguegarao, Cagayan province, north of Manila on October 30, 2022, a day after Tropical Storm Nalgae hit. Emergency workers scrambled to rescue residents trapped by floods in and around the Philippine capital on October 30 as Tropical Storm Nalgae swept out of the country after killing at least 48 people.
AFP / STR

MANILA, Philippines — Iniulat kahapon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na pumalo na sa 110 ang bilang ng mga namatay sa bagyong Paeng habang 33 pa ang nawawala at 101 ang sugatan.

Ayon sa NDRRMC, sa 110 namatay, 79  ang kumpirmado habang patuloy ang validation sa 31 iba pa.

Sa report ng ahensya, sinabing pangunahing dahilan ng pagkamatay ng mga biktima ay ang malawakang pagbaha at landslide lalo na sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao at Western Visayas.

Tinatayang aabot sa 2.4 milyong Pilipino ang apektado ng bagyong Paeng, at 190,000 ang nananatili pa rin sa mga evacuation centers sa 17 rehiyon sa buong bansa.

Samantala, umabot naman na sa P1.29 bilyon ang halaga ng pinsala sa agrikultura ni ‘Paeng’ partikular sa Gitnang Luzon habang P760,361,175 ang pinsala sa imprastruktura.

Sa kabila nito, tinanggihan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang rekomendasyon ng NDRRMC na isailalim ang buong bansa sa state of national cala­mity dahil sa pagtama ng bagyo. Giit niya, ang pinsala ay “highly localized” o sa kada probinsya o bayan lamang.

Samantala, hindi pa man tuluyang nakare­rekober ang maraming lugar sa bansa, nagpapaulan na naman nga­yon ang bagong bagyong Queenie sa ilang bahagi ng bansa.

Sa forecast ng PAGASA, magdadala ang bagyong Queenie ng mahina hanggang sa katamtamang lakas ng pag-ulan partikular sa Davao Oriental, Davao Occidental, Surigao del Sur, Sarangani at Tawi-Tawi.

NDDRMC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with