^

Bansa

Ni-raid na POGO hubs pakinabangan, gawing evacuation sites

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa gitna na rin ng nagbabadyang matin­ding pananalasa ni super typhoon Pepito sa Bicol Region, Central at Northern Luzon, iba pang mga lugar, inirekomenda ni dating Bayan Muna Partylist Neri Colmenares sa pamahalaan na gamitin ang mga ni-raid na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) hubs bilang pansamantalang mga evacuation sites.

Ayon kay Colmenares, kung siya ang tatanungin ay mas mabuti ng mapakinabangan ang mga POGO hubs bilang mga evacuation centers lalo na sa ganitong mga panahon na may mga bagyo.

Tinukoy niya na ma­raming mga pasilidad ang POGO na napasakamay na ng gobyerno tulad sa Bamban, Tarlac; Porac, Pampanga; Bulacan, Cagayan, Metro Manila at iba pa na mas maluwag at well equipped na sa mga kagamitan.

“While we cannot use these as schools due to potential psychological trauma from past activities, they are ideal as temporary evacuation sites,” giit nito.

“Many of these facilities are already equipped with medical centers and have ample space, making them sui­table emergency shelters,” saad niya.

Sa kasalukuyan, ayon pa kay Colmenares ay mas makabubuting gamitin na muna ang mga POGO hubs bilang evacuation centers habang hinihintay pang maipasa ang Permanent Evacuation Centers Bill.

POGO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with