Signal no. 1 itinaas sa 4 na lugar sa Luzon dulot ng bagyong 'Neneng'
MANILA, Philippines — Bahagyang lumakas ang Tropical Depression Neneng habang tinataya ng mga dalubhasang magla-landfall ang bagyo sa Babuyan Islands o Batanes pagsapit ng Linggo ng umaga o hapon.
Bandang 4 p.m. nang makita ang mata ng bagyop 795 kilometro silangan ng Calayan, Cagayan, sabi ng PAGASA, Biyernes.
- Lakas ng hangin: 55 kilometro kada oras malapit sa gitna
- Bugso ng hangin: hanggang 70 kilometro kada oras
- Pagkilos: 10 kilometro kada oras
- Direksyon: pakanluran timogkanluran
"Tomorrow early morning through afternoon, light to moderate with at times heavy rains [will be experienced] over Batanes, Cagayan including Babuyan Islands, Apayao, Kalinga, and Ilocos Norte," wika ng state meteorologists kanina.
"Tomorrow afternoon through Sunday afternoon, moderate to heavy with at times intense rains over Batanes, Cagayan including Babuyan Islands, Apayao, Abra, Kalinga, Ilocos Norte, and Ilocos Sur."
Mahihina hanggang katamtaman na may minsanang malalakas na pag-ulan namang mararanasan sa probinsya ng Isabela at nalalabing bahagi ng Ilocos Region at Cordillera Administrative Region kaugnay ng bagyo.
Signal no. 1
- Batanes
- Cagayan kasama ang Babuyan Islands
- silangang bahagi ng Apayao (Luna, Santa Marcela, Flora, Pudtol)
- hilagang bahagi ng Isabela (Santa Maria, San Pablo, Maconacon)
Makararanas ng malalakas na hangin ("strong breeze" hanggang "near gale strength") sa mga nasabing lugar kung saan epektibo ang signal no. 1.
"Per latest track and intensity forecast, the most likely highest wind signal that will be hoisted is Wind Signal No.2," sabi pa ng PAGASA.
'Landfall sa Linggo'
Sa forecast track ng PAGASA, tinatayang sasalpok o lalapit nang husto ang tropical depression sa Babuyan Islands o Batanes sa Linggo ng umaga o hapon.
Matapos ito, nakikitang kikilos ang bagyong "Neneg" kanluran hilagangkanluran at maaaring lumabas ng Philippine area of responsibility sa Lunes.
"NENENG is forecast to further intensify while moving over the Philippine Sea and may reach tropical storm category by Saturday evening or Sunday early morning," pagbabahagi pa ng PAGASA. — James Relativo
- Latest