Cremation sa COVID-19, mananatili - DOH
MANILA, Philippines — Mananatili ang polisiya ng pamahalaan na i-cremate ang mga indibidwal na nasawi dahil sa COVID-19, ayon sa Department of Health (DOH) kahapon.
Nilinaw ni DOH Officer-In-Charge Undersecretary Maria Rosario Vergeire, na bahagi ng ipinasang batas ang cremation ng mga nasawi dahil sa virus infection at hindi basta-basta puwedeng tanggalin.
“We have that not as part of our restrictions but as part of sanitation not just here in the Philippines but all over the world. We can never remove that,” saad ni Vergeire.
Ipinaliwanag ng opisyal na base sa kanilang pag-aaral, nananatiling nakahahawa ang isang taong namatay sa COVID-19 kahit ilang oras pa ang nakalipas ng kaniyang pagpanaw.
Ang pananatili ng cremation ay sa kabila ng pagluluwag na sa mga restriksyon ng pamahalaan upang makabangon ang ekonomiya ng bansa.
Sa datos ng DOH nitong Agosto 2, umaabot na sa 6,749 ang kabuuang nasawi dahil sa COVID-19 nang mag-umpisa ang pandemya sa Pilipinas noong Marso 2020.
- Latest