^

Bansa

Ruiz itinalagang acting Customs commissioner

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinangalanan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si dating Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Central Visayas director Yogi Ruiz bilang acting Customs commissioner samantalang pinanatili naman sa posisyon si Philippe Lhuillier bilang Ambassador Extraordinary and Plenipotentiary sa Spain.

Magkahiwalay na nanumpa sa harap ni Marcos sa Palasyo ng Malacañang sina Ruiz at Lhuillier.

Bago ang kanyang appointment bilang acting Customs chief, si Ruiz ay nagtatrabaho sa bureau buhat noong 2017 bilang director ng enforcement at security services na siyang namamahala sa Customs Police.

Isang taon na nagsilbi si Ruiz bilang PDEA director sa Central Visayas bago siya naging customs director — isang tungkulin na ibinigay sa kanya ng kanyang dating boss sa government anti-drug body na si Isidro Lapeña, na naging customs chief mula 2017 hanggang 2018.

Samantala, sinabi ni Marcos na batid niya ang husay ni Lhuillier kaya muli siyang itinalaga sa posisyon.

Nakatitiyak din si Marcos na magagampanan ni Lhuillier ang kanyang trabaho ng buong puso at igugugol ang kanyang husay para sa bansa.

Bago naging ambassador sa Spain sa panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, nagsilbi si Lhuillier na ambassador sa Italy.

CUSTOMS

PDEA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with