^

Bansa

Higit 600K trike drivers, may ayuda

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Higit 600K trike drivers, may ayuda
A tricycle taxi driver wearing a face mask to protect himself against the COVID-19 coronavirus waits for customers on a street in Manila on September 7, 2021, a day before the authorities lift a stay-at-home order amid record infections fueled by the contagious Delta variant.
AFP / Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Nakatakdang tumanggap ng fuel cash subsidy sa ilalim ng “Pantawid Pasada Program for Tricycle Drivers” ang 617,806 qualified tricycle drivers sa buong bansa na ang layunin ay matulungan ang mga ito na makaagapay sa patuloy na pagtaas ng mga produktong petrolyo at nananatili pa ring pandemya sa bansa.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, ang naturang fuel subsidy ay ipapamahagi ng Land Transportation Franchi­sing and Regulatory Board (LTFRB) sa pamamagitan ng e-wallet accounts ng mga benepisyaryo, mga sangay ng Land Bank of the Philippines, o di kaya ay sa mga off-site payout ng mga local government units (LGUs).

“Inaasahan namin na sa pamamagitan ng fuel subsidy na ito, maiibsan kahit paano ang paghihirap ng mga tricycle dri­vers dulot ng sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng krudo at paghina ng biyahe dahil sa COVID-19 pandemic. Ito ang paraan ng pamahalaan para ipamalas ang kanyang pagmamalasakit sa ating mga tricycle drivers,” ani Año.

Sa kabuuang bilang ng mga tricycle drivers-beneficiaries, 67,536 ang mula sa Region 1; 31,638 sa Region 2; 83,621 (Region 3); 162,500 (Calabarzon); 30,340 (MIMAROPA); 35,339 (Region 5); 59,280 (Region 6); 11,685 (Region 7); 6,448 (Region 8); 9,869 (Region 9); 8,760 (Region 10); 8,793 (Region 11); 21,685 (Region 12); 6,869 (Caraga); 68,165 (NCR); 5,040 (CAR); at 238 (BARMM).

Ang subsidiya ay ipapamahagi sa tatlong batches. Ang unang batch ay yaong trike drivers na nakapagbigay ng e-wallet account; 2nd batch ang mga mag-a-avail ng over-the-counter (OTC) transactions sa sangay ng Landbank na malapit sa kanila; at ikatlong batch ay mga mag-a-avail sa on-site payout ng mga LGUs.

Ani Año, may 766,590 trike drivers ang nagsu­mite ng kanilang pangalan upang maisama sa master list ngunit 148,784 ang nadiskuwalipika matapos ang validation at verification kabilang ang mga lehitimong namamasada na may prangkisa at hindi colorum, may lisensya, at nakapag-submit ng mga requirements sa deadline na ibinigay ng pamahalaan.

TRICYCLE DRIVERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with