Panukalang dagdag benepisyo, pribilehiyo ng mga solo parent, batas na
MANILA, Philippines — Isa nang ganap na batas ang Expanded Solo Parents Welfare Act — ang panukalang nagmumungkahi ng dagdag benepisyo para sa mga Pilipinong solo parent.
Makikita sa Republic Act No.11861 na inilabas ngayong Martes, June 28, na naisabatas ito noong June 4 na walang lagda ni Pangulong Rodrigo Duterte.
The Expanded Solo Parents Welfare Act has lapsed into law, according to Sen. Risa Hontiveros, the principal author of the bill in the Senate. The bill provides a monthly P1,000 subsidy for minimum wage-earning solo parents, among others.???? Hontiveros' office @PhilstarNews pic.twitter.com/bEGPBIK8oC
— Angelica Y. Yang (@angelicajourno) June 28, 2022
Sa ilalim ng naturang batas, binabaan ang period kung saan maaaring matawag na solo parent ang indibidwal — mula sa isang taon ay naging anim na buwan na lang ito.
Binigyang-kahulugan ang "solo parent" bilang mga asawa o miyembro ng pamilya ng isang overseas Filipino worker na kabilang sa low o semi-skilled category at malayo Pilipinas sa loob ng 12 buwan.
Ang mga senior citizen na mag-isang tumataguyod sa menor de edad ay maaaring makatanggap ng benepisyo bilang solo parent.
Bukod sa leave privilege, mayroon na ring "seven-day parental leave with pay", ano man ang employment status nito. May P1,000 monthly cash subsidy din para sa mga solo parent na kumikita ng minimum wage o mas mababa pa rito.
Sa ilalim ng RA 11861, kinakailangan ng Department of Social Welfare and Development, katuwang ang iba pang ahensya na lumikha ng “comprehensive package” na siyang nagsusulong ng livelihood training, stress debriefing, parent effectiveness services, atbp. para sa mga solo parent.
Kaugnay nito, magbibigay din ng scholarship program ang Department of Education, Commission on Higher Education or Technical Education and Skills Development Authority, para sa mga kwalipikadong solo parent at full scholarship para sa isa sa mga anak nito na may edad 22 anyos pababa.
Para sa mga solo parents na kumikita ng mas mababa pa sa P250,000 kada taon, may 10% discount at VAT exemption sa mga produkto para sa pangangalaga ng bata hanggang anim na taong gulang, tulad ng gatas, pagkain, micronutrient supplements, diapers, bakuna, gamot, atbp.
Ani Sen. Risa Hontiveros, principal author ng naturang panukala at isa ring solo parent sa apat niyang anak, isang "victory" ang pagsasabatas ng nasabing probisyon.
"I share this victory with the millions of solo parents in our country," sambit niya sa isang pahayag.
"As a single mom, I’m intimately familiar with the feeling of not being sure how to pay for my children’s tuition, not knowing who can accompany me if one of them gets sick," pagpapatuloy niya.
Bukod sa mga dagdag benepisyo at prebelihyo, idineklara rin bilang Solo Parents Week at National Solo Parents Day ang pangatlong sabado ng Abril kada taon. — Philstar.com intern Vivienne Audrey Angeles
- Latest