^

Bansa

Pilipinas may pinakamaraming 'stressed' na manggagawa sa Southeast Asia — study

James Relativo - Philstar.com
Pilipinas may pinakamaraming 'stressed' na manggagawa sa Southeast Asia — study
A worker pulls a trolley of goods between vehicles along a street in the Divisoria district of Manila on Nov. 30, 2021.
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Kumpara sa iba pang bansa sa Southeast Asia, nakita ang pinakamaraming "stressed" na manggagawa't empleyado sa Pilipinas.

Ito ang lumalabas sa "State of the Global Workplace: 2022 Report" na inilabas ng Gallup, isang global analytics at advice firm, kung saan sinabing 50% ng mga Pilipinong nagtratrabahong kanilang na-survey ang nakadama ng stress isang araw bago ikinasa ang panayam.

Ito ang porsyento ng mga sumagot ng "oo" sa naturang pag-aaral nang matanong kung stressed sila:

  • Philipines (50%)
  • Thailand (41%)
  • Cambodia (38%)
  • Myanmar (37%)
  • Vietnam (35%)
  • Singapore (34%)
  • Laos (32%)
  • Malaysia (27%)
  • Indonesia (20%)

Kung tutuusin, nabawasan na ng 3% ang bilang ng mga stressed ng Pinoy workers kung iaawas ang average mula 2018-2020 at average mula 2019-2021.

Sa ilalim ng Labor Code, karaniwang 40 oras kada linggo ang trabaho ng isang normal na empleyado. Ito'y habang nakatali sa hanggang P570/araw ang minimum wage sa Metro Manila, ang pinakamataas sa buong Pilipinas.

Dahil sa baba ng sahod at taas ng inflation rate — na pinakamataas ngayon simula Nobyembre 2018meron at merong mga underemployed na naghahanap pa ng dagdag na trabaho o oras sa trabaho para mapunan ang pangangailangan.

Kahit na pinakamaraming stressed sa Pilipinas, numero uno din ang mga Pinoy sa "employee engagement" sa siyam na bansa, bagay na nagsasalarawan ng pakikisangkot at enthusiasm ng mga empleyado sa kanilang pinagtratrabahuhan:

  • Philippines (31%)
  • Thailand (26%)
  • Cambodia (26%)
  • Indonesia (24%)
  • Vietnam (23%)
  • Myanmar (23%)
  • Laos (23%)
  • Malaysia (18%)
  • Singapore (13%)

Hinihingan pa ng reaksyon ang Philstar.com sa Kilusang Mayo Uno patungkol sa mga datos na ito ngunit hindi pa sumasagot hanggang sa ngayon.

Bahagi lang ito taunang face-to-face at telephone surveys sa mga respondents mula sa 160 bansa sa buong mundo. 

Kadalasang 1,000 ang sinu-survey nila kada bansa/teritoryo, ngunit 2,000 ito para sa mga malalaking bansa gaya ng Tsina at Russia. Mas mababa sa 1,000 naman para sa maliliit na teritoryo.

Manggagawa ng mundo 'all-time hig'h sa stress

Sinabi noon ng ekonomista't pilosopong si Karl Marx, "Manggagawa ng mundo, magkaisa!" Pero kung titignan ang datos, nagkaisa nga sila sa pagtaas ng stress levels.

Umabot sa 44% ng mga empleyado sa buong mundo ang nakaranas ng stress noong 2021, ang pinakamataas sa kasaysayan. Mas mataas pa ito kaysa sa naunang record noong 2020.

Ayon sa pag-aaral, posibleng hindi sila stressed tungkol sa trabaho, pero stressed sila HABANG nasa trabaho.

Tinatayang nasa 81,396 oras ang inilalaan ng isang tao sa pagtratrabaho, kung saan pagtulong lang ang mas mahaba.

"If we spend so much of life at work, how is life at work going? According to the world’s workers, not well," wika ni Jon Clifton, CEO ng Gallup.

"Gallup finds 60% of people are emotionally detached at work and 19% are miserable."

Sa tingin ng naturang firm, "unfair treatment at work" ang pinakamalaking source ng burnout sa trabaho, na siyang sinusundan ng nagdadamihang workload, malabong komunikasyon sa manager, kawalan ng manager support at unreasonable time preasure.

Payo tuloy ni Clifton, kumuha ng maayos na boss lalo na't ang limang nabanggit ay madalas nagmumula sa olats na lider sa trabaho. 

"A manager’s effect on a workplace is so significant that Gallup can predict 70% of the variance in team engagement just by getting to know the boss," patuloy pa niya.

"The real fix is this simple: better leaders in the workplace. Managers need to be better listeners, coaches and collaborators. Great managers help colleagues learn and grow, recognize their colleagues for doing great work, and make them truly feel cared about. In environments like this, workers thrive."

EMPLOYEE

EMPLOYMENT

GALLUP

PHILIPPINES

SOUTHEAST ASIA

STRESS

WORKER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with