^

Bansa

'Salamat Marcos!': Erwin Tulfo ikinatuwa pagiging susunod na DSWD secretary

Philstar.com
'Salamat Marcos!': Erwin Tulfo ikinatuwa pagiging susunod na DSWD secretary
Litrato ng broadcaster at incoming DSWD Sec. Erwin Tulfo (kanan) kasama si president-elect Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. (kaliwa)
Mula sa Facebook page ni Erwin Tulfo

MANILA, Philippines — Nagpaabot ng kanyang pasasalamat ang broadcaster na si Erwin Tulfo sa kanyang pagkakanomina sa Gabinete ni president-elect Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., ito habang ipinapangakong magsisilbi nang maigi.

Lunes lang nang italaga bilang susunod na kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) si Tulfo, na dating pinagbantaang "sasampalin" si DSWD Sec. Rolando Bautista — na kanyang tinawag na "demonyo" at "inutil" matapos hindi magpa-interbyu.

"Una sa lahat, salamat sa Diyos. Maraming salamat kay president-elect Bongbong Marcos sa tiwala," wika ni Tulfo sa isang pahayag sa Facebook kanina.

"Alam ko na maraming trabaho ang naghihintay sa DSWD."

Si Erwin ay dating news anchor at komentarista sa TV5 at Radyo Singko, at nagsilbi rin sa news program na "Ulat Bayan" sa state-run PTV 4. Kapatid din siya ni senator-elect at kapwa broadcaster na si Raffy Tulfo.

Makakasama ni Erwin sa Gabinete ni Marcos Jr. sina Liloan Cebu Mayor Christina Frasco (Department of Tourism), dating Manila Rep. Naida Angping (Presidential Management Staf), Amenah Pangandaman (Department of Budget and Management) at Ivan John Enrile Uy (Department of Information and Communications) na pare-parehong kanina lang ianunsyo ni incoming press secretary Trixie Cruz-Angeles.

"Ang tanging maipapangako ko lamang ay sisikapin ko na matugunan ang mga pangangailangan ng ating mga kababayang mahihirap at nangangailangan," dagdag pa ni Tulfo.

Matatandaang labis siyang nabatikos noong 2010 matapos kapanayamin ang hostage taker na si Rolando Mendoza sa Manila hostage crisis, bagay na posibleng nagpalala pa raw sa sitwasyon na siyang nagdulot sa pagkamatay ng walong bihag.  — James Relativo

BONGBONG MARCOS

CABINET

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

ERWIN TULFO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with