Sa eleksyon sa Mayo, suporta sa Ang Kabuhayan Partylist lumalawak
MANILA, Philippines — Patuloy na umaarangkada ang kampanya ng Ang Kabuhayan bilang pangunahing kandidatong partylist sa Kongreso sa halalan sa Mayo.
Daan-daan libong mga mamamayan, sektor ng micro at small business enterprise, senior citizens, mga probinsiyano at tagalunsod, health frontliners at mga kabataan ang nagpahayag ng pagsuporta sa Ang Kabuhayan partylist dahil sa mga programa at proyekto nito na naipamalas at naipatupad noong 17th Congress at kahit sa labas ng Kongreso.
Kabilang dito ang Ang Kabuhayan Dagdag Puhunan Program P55,200,000; Ang Kabuhayan Trainings P33,500,000; Negosyo Caravan Seminars for MSMEs; Short Term Technical Course; at Short-Term Employment.
Habang gumugulong ang kampanya sa eleksyon, ibayong umiinit ang pagtanggap ng dumaraming mamamayan sa Ang Kabuhayan partylist.
Natanim sa isip at puso nila ang mga proyektong isinasagawa ng Ang Kabuhayan partylist sa loob o labas man ng Kongreso tulad ng pagbibigay ng ayuda sa mga nawalan ng kabuhayan sa nagdaang dalawang taong pandemya, pag-alalay at paggabay sa mga maliliit na negosyo para makabangon sila sa pagkalugi na dulot ng krisis sa Covid-19, pagtulong sa mga health frontliner, pamimigay ng mga groceries, bigas at anti-COVID health kit sa iba’t ibang panig ng bansa.
Pero, kahit noong wala pang pandemya, marami nang pagsisikap ang ginawa ng Ang Kabuhayan Partylist para makatulong sa mga nangangailangan.
Namimigay ito ng mga relief goods sa mga sinasalanta ng bagyo. Nagdaraos din ito ng mga financial literacy seminar para gabayan ang mga tao sa tamang paghawak ng pera at pagbibigay ng mga tips sa pagnenegosyo.
Isinusulong din nito ang pagkakaroon ng mga pautang na walang interes. Nagsagawa rin ng mga medical mission ang Ang Kabuhayan Partylist tulad ng libreng eye checkup at salamin sa mata.
Pangunahing layunin ng Ang Kabuhayan Partylist na magsulong ng mga batas na magbibigay ng sapat na puhunan para sa anumang pangkabuhayang gawain ng bawat Pilipino.
Batas na ayon sa programa ng Ang Kabuhayan Partylist na magkaroon ng puhunan ang bawat pamilya sa buong Pilipinas sa pamamagitan ng direktang pautang na walang tubo ng pamahalaan katuwang ang bawat barangay na magsisilbing tagapamahagi ng puhunang pangkabuhayan.
Isinusulong ng Ang Kabuhayan Partylist na ang bahagi ng pondo ng lokal na pamahalaan ay ibigay sa barangay bilang panimulang pautang at ang pagpapataas ng salaping ipapautang ay sa pamamagitan ng pagpapataas rin ng alokasyon para sa mga barangay.
Kasama sa programa ng Kabuhayan Partylist ang ipamahagi sa mamamayan ang mga makabagong kaalaman sa pagtatayo ng sariling kabuhayan sa pamamagitan ng skills training, business values at basic accounting.
Ipinaglalaban din nang lubos ng Ang Kabuhayan Partylist sa Kongreso ang prinsipyong hindi sa limos ng pamahalaan kundi ang sipag at sapat na puhunan ang paraan upang makapagpaaral ang bawat magulang, mabuhay nang may dignidad ang bawat pamilya at mabawasan ang bilang ng mga nagugutom sa bansa.
Kaya nga ang kahulugan ng partylist ay “May Puhunan sa #62 Ang Kabuhayan.” – Ramon Bernardo
- Latest