^

Bansa

19 katao nadisgrasya ng paputok sa 'Pinas ilang araw bago mag-Bagong Taon

James Relativo - Philstar.com
19 katao nadisgrasya ng paputok sa 'Pinas ilang araw bago mag-Bagong Taon
Workers prepare firecrackers for sale in a makeshift factory ahead of New Year celebrations in Bocaue, Bulacan province on December 27, 2019.
AFP/Maria Tan, File

MANILA, Philippines — Halos 20 katao na ang naitatalang sugatan mula sa paggamit ng paputok ilang araw bago ang New Year festivities ng taong 2022.

Ito ang ibinahagi ng Department of Health (DOH) ngayong araw, habang napapansing tumaas ang bilang ng mga injuries kumpara noong nagdaang taon. Pag-igpaw ito sa nasa 11 injuries na naibalita ng gobyerno noong Linggo.

"As of 6:00 a.m. of December 27, a total of 19 firework-related injuries were reported," wika ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang media forum, Lunes.

"These were 58% higher compared to the 2020 report (12 cases for 2020) and 67% lower than the five-year average of 58 cases during the same time period."

Lahat ay dahil sa paputok at wala pang nare-record na:

  • nakalunok ng fireworks
  • tinamaan ng ligaw na bala
  • pagkakamatay dahil sa fireworks-related injuries

Sinasabing pito ang naobserbahang nangyari sa Western Visayas (Region VI), bagay na kumakatawan agad sa 37% ng mga nasugatan.

"Pigilan po natin ang aksidente at disgrasya dahil sa paputok sa pamamagitan sa pag-iwas ng paggamit nito at pagiging handa sa lahat ng pwedeng maging aksidente," payo pa ngh DOH official.

"Sa pamamagitan ng pag-iwas sa paggamit ng mga paputok at pyrotechnic device, maaari po nating ipagdiwang ang kasiyahan o holiday nang magkakasama habang iniiwasan ang unnecessary wastage ng mga resources ng ating pamilya, katulad ng: gastos sa paggamot tuwing maaaksidente, pangalawa oras na paggugugol sa pagkuha ng mga serbisyo pangkalusugan, pangatlo emosyonal na kapital sa mga hindi kanais-nais na epekto ng mga aksidente."

Karamihan dahil sa iligal na paputok

Mayorya sa mga nadisgrasya ay dulot ng mga ipinagbabawal na paputok (84%), kumpara sa mga pinahihintulutan ng gobyerno (16%):

  • iligal (16)
  • ligal (3)

"Six cases or 32% were injured due to 'boga,' an illegal firework, and three cases [16%] were due to 'piccolo,'" dagdag pa ni Vergeire. Ang piccolo ay iligal din sa Pilipinas.

Sa kabila ng lahat ng ito, 50 o 82% sa 61 sentinel hospitals ang nagsasabing wala silang ganitong mga insidente ng injuries bago ang cut-off.

Hunyo 2017 lang nang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order 28 na naglilimita sa paggamit ng pyrotechnics sa community fireworks displays para maiwasan ang mga disgrasya.

Pwedeng gumamit ng ilang paputok sa mga lugar labas sa community fireworks display pero kinakailangang sang-ayon ito sa mga umiiral na batas at regulasyon.

Ngayong Disyembre lang nang idiin ni Philippine National Police chief Gen. Dionardo Carlos na maghihigpit sila sa pagpapatupad ng "paputok ban" sa ilalim ng E.O. 28.

DEPARTMENT OF HEALTH

FIRE CRACKERS

FIREWORKS

HOLIDAYS

NEW YEAR

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with