'Teka, sino sila?': Mga 2022 presidential aspirants na malamang deins mo knows
MANILA, Philippines — Nagsimula nang maghain ng kani-kanilang certificates of candidacy (COC) sa Commission on Elections ang ilang naghahangad makasungkit ng posisyon sa national at local positions sa gobyerno — gayunpaman, marami sa kanila ang hindi kilala nang marami.
Hindi tulad ng mga beteranong pulitiko gaya nina Sen. Panfilo Lacson, eight-division boxing champ Sen. Manny Pacquiao, actor-turned-politician Manila Mayor Isko Moreno, atbp. 2022 presidentiables, ilan sa mga naghain at maghahain pa lang ng COC ay hindi gaano kapopular. Ang ilan, kontrobersyal o maaaring hindi seryoso.
Kilalanin ang ilang nais kumandidato bilang Philippine head of state sa unang araw ng COC filing na malamang sa malamang ay ngayon niyo lang nakita:
- Edmundo Rubi (nais bigyan ng P5,000 ang bawat pamilya kada buwan, itinataguyod ang libreng kuryente, pabahay, edukasyon at hospitalization at retirement income)
- Jose Montemayor, medical professional (nais tapusin ang COVID-19, katiwalian at kriminalidad)
- Dave Aguila, fitness coach
- Ley Ordenas, Navy SEAL (self-proclaimed "pandemic warfare mitigator," nais ipaglaban ang West Philippine Sea)
- Lurencio Jun Yulaga (nais magbigay ng mga solusyon sa climate change, nagsusulong ng "everlasting power" )
Madadagdagan pa ang mga pangalang ito, sampu ng mga iba pang bagong pangalang nais tumakbo sa pagkabise presidente at senador, hanggang ika-8 ng Oktubre.
Sino ang mga 'nuisance candidates'?
Una nang nagtakda ng mga panuntunan ang Comelec pagdating sa kung sinu-sino ang maaaring ituring na "nuisance candidates," na siyang hindi mapapasama sa pinal na listahan ng mga kandidato tuwing eleksyon.
Ayon sa Section 69 ng Omnibus Election Code, itinuturing na nuisance candidate ang mga kandidatong:
- nais gawing katatawanan (mockery) ang election process, pati na rin ang mga nais sirain ang magandang reputasyon nito (disrepute)
- layong manlito ng mga botante dahil sa pagkakaroon ng malaking pagkakahalintulad sa pangalan ng iba pang rehistradong kandidato
- nagpapakita na wala silang seryosong intensyon na tumakbo para sa posisyong hinainan ng COC
BASAHIN: Why past nuisance candidates can attempt to run every election
The Commission may, motu proprio or upon a verified petition of an interested party, refuse to give due course to or cancel a certificate of candidacy if it is shown that said certificate has been filed to put the election process in mockery or disrepute or to cause confusion among the voters by the similarity of the names of the registered candidates or by other circumstances or acts which clearly demonstrate that the candidate has no bona fide intention to run for the office for which the certificate of candidacy has been filed and thus prevent a faithful determination of the true will of the electorate. (Sec. 26, 1978 EC)
Ika-24 lang ng Agosto nang ipasa ng Kamara ang House Bill 9557, na siyang magpapataw ng mas mabibigat na parusa sa mga nuisance candidates. Kasama na riyan ang multang hindi bababa ng P100,000.
[LIVE updates feed will load below. Can't view the updates below? Click here.]
- Latest