Oops! Jolo Revilla sinabing 'bayani si Magellan' ngayong Battle of Mactan anniversary
MANILA, Philippines — Katakut-takot na sorry ang ipinaabot ng isang actor-turned-politician matapos matawag na "bayani" ang Portuges na mananakop sa isang social media post ngayong araw — kasabay pa mismo ng anibersaryo ng paggapi sa kanila ng mga sinaunang Pilipino.
Ngayong araw lang nang ipaskil online gamit ang Facebook ni Cavite Vice Gov. Jolo Revilla ang sumusunod na mga salita, bagay na umani ng sandamakmak na batikos:
"Isang pagsaludo sa kagitingan ng isa sa mga unang bayani ng bayan na si Ferdinand Magellan na nagbuwis ng kanyang buhay para sa kalayaan 500 taon na ang nakararaan!"
Na-edit na 'yan ngunit marami nang naka-screenshot ng nabanggit na "Wow Mali" moment.
Guard! Guardddd! Kailan pa naging bayani si Magellan? ???????????? pic.twitter.com/KtFHZ3k8B2
— PinoyAkoBlog (@PinoyAkoBlog) April 27, 2021
Abot-langit tuloy ang paghingi ng paumanhin ni Jolo, na anak din ng dating actor-turned-senator na si Ramon "Bong" Revilla.
"I apologize for the earlier confusing post on our celebration of Lapu-Lapu's victory in Mactan 500 yrs ago. An intern in our social media team posted the caption to our meme without first clearing it," sambit ng bise gobernador ngayong hapon.
"Again, my sincerest apologies to our Cebuano kababayans and to all Filipinos."
I apologize for the earlier confusing post on our celebration of Lapu-lapu's victory in Mactan 500 yrs ago.
— Jolo Revilla (@jolorevilla) April 27, 2021
An intern in our social media team posted the caption to our meme without first clearing it.
Again, my sincerest apologies to our Cebuano kababayans and to all Filipinos.
Ngayong ika-27 ng Abril, 1521 nang magwagi ang pangkatin ni Lapu-Lapu — isang sinaunang datu ng Mactan, Cebu — laban kina Magellan sa unang tangkang pagpapasailalim ng Espanya sa mga sinaunang Pilipino.
Ang pagkapanalong ito ang dahilan kung bakit naantala ng mahigit 44 taon ang pormal na pananakop ng Espanya sa Pilipinas.
- Latest