NBI probe vs naninira sa DepEd module ikinasa
MANILA, Philippines — Handa nang mag-imbestiga ang Department of Justice (DOJ) laban sa ilang indibiduwal na malisyosong nag-aakusa sa mali-mali umanong modules ng Department of Education (DepEd) na ginagamit sa distance learning ng mga mag-aaral.
Ito’y kahit wala pang natatanggap na pormal na reklamo ang DOJ mula sa nasabing ahensiya.
“The DOJ has not received any request for assistance from the DepEd, but we will be ready to help if there is evidence trending to show the false and malicious character of these allegations about the agency’s learning modules,” ani Justice Secretary Guevarra.
Paaaksyunan ni Guevarra sa National Bureau of Investigation (NBI) ang isyu sa modules kasunod ng naging pahayag ni DepEd Secretary Leonor Briones noong Biyernes na hihilingin na nila sa DOJ na habulin ang mga nasa likod ng ‘false claims’.
Kokonsultahin ni Briones ang DOJ kung anong legal na hakbang ang maaring gawin laban sa mga taong iniuugnay o wrongfully attributed sa mga sinasabing pagkakamali sa mga module, na hindi nagmula o ginawa ng DepEd, subalit sa kanila pa rin isinisisi.
Maari aniyang libel o cyberlibel ang kaharapin ng mga matutukoy sa false claims, depende sa kalalabasan ng imbestigasyon.
“If the false claim about a module is directly attributed to a certain person with no manifest intent, but to ridicule or malign him or her, the latter may have cause to file a complaint for libel or cyberlibel, as the case may be,” ani Guevarra.
Pinagmukhang katawa-tawa sa online ang DepEd sa mga batikos dahil sa mga umano’y mali-maling modules na ang ilan ay inadmit nilang pagkakamali habang ang ilan ay hindi naman sa ahensiya nagmula kaya maling sila ay libakin.
- Latest