^

Bansa

Antigen test ‘di na kailangan ng Pinoy na lalabas ng bansa

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Antigen test ‘di na kailangan ng Pinoy na lalabas ng bansa
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, inaprubahan ng IATF ang pagbawi sa pre-boarding test kung saan dapat negatibo ang resulta sa loob ng 24 oras bago lumabas ng bansa.
APA/AFP/George Hochmuth

MANILA, Philippines — Hindi na kailangang sumailalim sa antigen CO­VID-19 test ng mga Filipino na lalabas ng bansa matapos tanggalin ang nasabing requirement ng Inter-Agency  Task Force (IATF) on the Management of the Emerging Infectious Diseases.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, inaprubahan ng IATF ang pagbawi sa pre-boarding test kung saan dapat negatibo ang resulta sa loob ng 24 oras bago lumabas ng bansa.

Sinabi pa ni Roque na tinanggal na ang nasabing requirement dahil palabas naman ng bansa ang bibiyaheng Filipino na kailangan ding sumunod sa requirement ng pupuntahang bansa.

Matatandaan na noong Oktubre 21 tinanggal ang ban sa mga Filipino na nais pumunta sa ibang bansa bilang turista.

ANTIGEN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with