^

Bansa

DepEd: Huwag iugnay ang student-teacher deaths sa 'distance learning'

James Relativo - Philstar.com
DepEd: Huwag iugnay ang student-teacher deaths sa 'distance learning'
Makikitang nag-aaral ang mga batang ito sa bahay sa pamamagitan ng computer at internet
The STAR/Miguel de Guzman, File

MANILA, Philippines — Sa gitna ng mga pagsubok na dinadanas ng sistema ng edukasyon dahil sa nakamamatay na coronavirus disease (COVID-19), ipinaalala ng Department of Education (DepEd) sa publiko na 'wag ikabit sa panibagong moda ng pag-aaral ang pagdami ng namamatay na mga estudyante't guro.

Ilang kaso kasi ng pagpapatiwakal ang naitatala sa mga kabataan at teaching staff sa gitna ng paggamit ng online classes at self-learning modules, bagay na pinagmumulan ng problema nang marami dahil sa problema sa internet connection, kawalan ng gadgets atbp.

"Isang sensitibo at kumplikadong usapin ang suicide. Kaya naman, nais naming ipanawagan na itigil ang pagkonekta nito sa mga modyul o sa distance learning," ayon sa kagawaran sa gitna ng COVID-19 pandemic.

"Nakatanggap na kami ng mga ulat mula sa kinauukulan, maging mga pahayag ng mga pamilya, at mga inisyal na imbestigasyon ng mga kaso at wala sa alinmang insidente ang tumutukoy sa distance learning bilang pangunahing sanhi ng mga ito."

Sa kabila nito, lubos naman daw silang nakikidalamhati at nagpapaabot ng pakikiramay sa mga naulila at kani-kanilang mga kasamahan sa DepEd.

Mga namatay, 'huwag gamitin' para manira

Binabalaan naman ng departamento ang publiko, grupo at mga indibidwal na "ginagamit" diumano ang pangyayaring ito para basta siraan ang pagsusumikap ng kagawaran na dalhin pa rin ang pag-aaral sa mga kabataan sa panahon ng COVID-19.

Nitong nakaraang buwan lang nang kitilin ng isang incoming Grade 9 student mula sa Sto. Domingo, Albay ang kanyang buhay. Ayon kay DepEd public affairs service director June Arvin Gudoy, nagpakamatay ang 19-anyos diumano dahil sa "distress dulot ng online online classes."

Basahin: Peasant group slams DepEd blended learning amid reports of suicide among rural youth

May kaugnayan: Online classes may cause feelings of isolation

"Hinihiling namin sa publiko na igalang ang pribadong buhay ng pamilyang naiwan at gayundin ang pag-iwas sa mga kuro-kuro ukol sa sanhi ng pagkamatay ng kanilang kaanak," dagdag pa nila.

"Patuloy na nakikipag-ugnayan ang Kagawaran sa mga guro, kawani, at mga mag-aaral upang sila ay mabigyan at mahatiran ng mga nararapat na serbisyong pang-mental na kalusugan at psychosocial."

Mental health sa gitna ng pandemya

Setyembre lang nang sabihin ng Department of Health (DOH) na maaaring magdulot ng epekto sa mental health ang malawakang pagsasagawa ng online classes dahil sa kawalan ng face-to-face interaction.

Hindi man tamaan ng COVID-19, pinangangambahan ng kagawaran na gumawa ito ng panibagong krisis pangkalusugan — bagay na pwede naman daw mapigilan.

"Students may experience health concerns related to increased screen time such as fatigue, headache, lack of motivation, avoidance/procrastination, among others," ayon sa DOH.

"[We should e]stablish a routine wherein there is an academic-personal life balance, which includes being physically active, eating, sleeping. Practice self-care, self-compassion and self-awareness of their thoughts and feelings."

Kamakailan lang nang udyukin ng World Health Organization (WHO) ang mga Pilipino na maging maawain at makinig sa isang tao na nakararanas ng depression lalo na sa panahon ng pandemya.

Ito ang kanilang ipinaalala sa katatapos lang na World Suicide Prevention Day nitong ika-10 ng Setyembre, lalo na't may "critical role" ang lahat sa pagpigil dito.

"This continues to be an especially stressful time. Someone in your community, workplace, family or circle of friends or even you may be feeling hopeless, isolated and feeling they have no reason to live," ayon kay WHO country representative Rabindra Abeyasinghe.

"Show them that you are listening by repeating information they have shared with you. Reassure them, they will not feel this way forever."

Maaaring maabot ang National Center for Mental Health crisis hotline sa numerong 0917-899 8727 o 989-8727.

DEPARTMENT OF EDUCATION

MENTAL HEALTH

ONLINE CLASSES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with