^

Bansa

Duterte sa revival ng Bataan Nuclear Power Plant: Itanong sa tao kung gusto nila

James Relativo - Philstar.com
Duterte sa revival ng Bataan Nuclear Power Plant: Itanong sa tao kung gusto nila
Litrato ni Pangulong Rodrigo Duterte habang nakikipagpulong sa mga miyembro ng Inter-Agency Task Force on the Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), ika-28 ng Setyembre, 2020
Presidential Photos/Robertson Ninal

MANILA, Philippines — Hindi isinasara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang posibilidad na muling mabuksan ang kontrobersyal na nuclear power plant sa Morong, Bataan ayon kay presidential spokesperson Harry Roque — ngunit dapat daw muna itong idaan sa dayalogo kasama ang mga nakatira sa probinsya.

Ayon sa Malacañang, ito raw ang naging tugon ni Digong sa pakikipag-usap ni dating Pangasinan Rep. Mark Cojuanco at Energy Secretary Alfonso kamakailan.

"[A]ng sabi ng presidente, 'Start from the ground. Pag-aralan ng mabuti but start from the ground,'" wika ng tagapagsalita ni Duterte, Huwebes, habang nasa isang press briefing sa Mariveles, Bataan.

"Ibalik sa ground level. Tatanungin ang taumbayan ng Bataan kung ano ba talaga ang gusto nila. Hindi pupwede na nasa taas nanggagaling ang desisyon."

Mahalaga sa mga usapin tulad ng nuclear power ang input ng tinatawag na eksperto.

Dekada '60 hanggang '80 nang simulan ang konstruksyon ng nasabing planta noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos sa isang 389-ektaryang lupain ng gobyerno sa Morong, dahilan para mauna ang Pilipinas sa Southeast Asia pagdating sa nuclear power development,

Gayunpaman, hindi pa rin ito napatatakbo ni isang beses magpahanggang sa ngayon, dahil sa sari-saring pangamba sa kaligtasan. Tuluyan itong na-"mothball" simula nang manungkulan si dating Pangulong Corazon Aquino.

"Tayo raw po ang unang dapat konsultahin kung mabubuksan uli ang Bataan Nuclear Power Plant," dagdag ni Roque, na kilalang taga-Bataan din.

"My family is very active in an advocacy on the nuclear plant. I think everyone here has the same position on the nuclear plant."

Marso 2020 nang matatandaang imungkahi ni Cusi kay Duterte na maglabas ng executive order para maisama sa "energy mix" ng Pilipinas ang nuclear power, lalo na't inaasahang lalaki ang pangangailangan sa kuryente ng Pilipinas.

Basahin: Duterte urged to issue EO including nuclear power in energy mix

Enero taong 2019 naman nang hikayatin ni Michael Shellenberger, presidente ng Environmental Progress, ang gobyerno para buhayin ito ng bansa ang programang nukliyar lalo na't "mas ligtas at mura" raw itong alternatibo kumpara sa pagkamahal-mahal na electricity rates sa bansa — na isa sa pinakamagastos sa mundo.

"In the Philippines, energy is just too expensive. Moving to nuclear electricity gives you cheaper and cleaner energy," ayon sa TED Talk niya na inilabas sa Facebook live ng Department of Energy (DOE).

"Wind and solar don’t generate electricity most of the time. In the Philippines every year, solar generates only 15% of the time... So you have to basically pay for electricity twice: for the solar panels and for power plants to operate when the sun is not shining or the wind is not blowing."

Panganib at utang sa nuclear power?

Sa kabila niyan, tutol ang pa rin ang iba't ibang environmental at advocacy groups sa panunumbalik ng programang nukliyar ng Pilipinas — lalo na't "iresponsable" raw ito at magbabaon sa Pilipinas sa sandamakmak na utang.

May kaugnayan: Greenpeace: Proposal to add nuclear to country's energy mix 'plain irresponsible, irrational'

"Nuclear power is the most dangerous source of electricity and throughout their life cycle, nuclear plants contribute significantly to climate change. In other parts of the world, nuclear facilities are being decommissioned and phased out from energy plan," ani Khevin Yu, campaigner ng grupong Greenpeace, nitong Marso.

Malaking isyu rin daw na walang ligtas at permanent storage para sa radioactive spent fuel, dagdag ni Yu.

'Yan din ang sinabi noon ni Gerry Arances, executive director ng  Center for Energy, Ecology, and Development (CCED) sa panayam ng PSN noong 2019. Bukod sa isyu ng nuclear waste, problematiko rin daw ang pag-ooperate dito lalo na't nakapwesto ang Pilipinas sa Pacific Ring of Fire — rehiyon kung saan madalas lumindol at sumabog ang mga bulkan.

"[O]ur geographical location along a typhoon belt and the Ring of Fire threatens to exponentially magnify the risks of pursuing nuclear energy," ani Arances.

"This type of waste, being radioactive, poses a threat to the biological integrity of the environment in which it is emitted."

Bukod pa riyan, sinabi rin ng Greenpeace na napakamahal daw nito lalo na sa usapin ng power generation.

Taong 2003 nang sabihin ng Massachusetts Institute of Technology na aabot sa US$2,000 per kilowatt ang estimated cost ng isang planta kung wala itong financing. Nang i-update nila ito noong 2009, lalabas na US$4,000 na ito.

Dahil sa kamahalan, sinabi rin ni Arances na umaasa raw ngayon sa pagkalaki-laking state subsidies at utang ang mga bansa gayaq ng India at Finland para mamintena ang kani-kanilang nuclear powerplants. Maaaring umasa lang din daw sa mga bansang mayaman sa uranium ang Pilipinas kung ipatutupad ito.

BATAAN NUCLEAR POWER PLANT

HARRY ROQUE

RODRIGO DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with