Bulkang Taal muling nagbuga ng usok
MANILA, Philippines — Muling nagbuga ng usok ang Bulkang Taal sa Batangas.
Sa nakalipas na 24 oras, nakapagtala na ng 5 volcanic earthquakes at pagbuga ng usok na may 20 metro ang taas mula sa main crater.
Ayon kay Director Renato Solidum, Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) araw-araw naman ay nagbubuga ng usok ang bulkan makaraan ang nagdaang eruption dito.
Bagama’t palagiang nagbabago ang volume ng usok mula sa bulkan, normal lamang anya ang aktibidad na ito at wala naman itong posibilidad na sumabog.
Gayunman, ayon kay Solidum, ipinagbabawal pa rin ng Phivolcs ang pagpasok ng mga tao sa volcano island upang maingatan ang mga ito sa anumang peligro na maaaring idulot ng bulkan.
Nananatili namang nasa alert Level 1 ang buong Taal Volcano.
Ani Solidum, walang dapat ipag-alala ang publiko sa araw-na paglalabas ng usok ng Taal dahil ito ay normal lamang at hindi kinakikitaan ng posibleng pagsabog.
- Latest