^

Bansa

P100K multa sa customers na magkakansela ng delivery orders

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
P100K multa sa customers na magkakansela ng delivery orders
Makikita sa larawan na ito ang pagkain ng diumano'y GrabFood driver sa order ng customer na nagkansela, kahit bayad na niya ito
Mula sa Facebook ni Natdemzon Lazo Pagkanlungan

MANILA, Philippines — Para mabigyan ng proteksyon ang mga delivery riders, isinusulong ni Sen. Lito Lapid na maparusa­han ang mga customers na paulit-ulit na nagkakansela ng kanilang orders.

Sa Senate bill 1677 ni Lapid, makukulong ng isang buwan at isang araw hanggang anim na buwan at pagmumultahin ng hanggang P100,000 ang customers na makaka-tatlong beses sa loob ng isang buwan na walang katwiran na pagkansela ng kanyang delivery na pagkain o grocery na binayaran ng delivery rider o driver.

Paliwanag ni Lapid, dapat parusahan ang mga nanloloko na sumasayang ng oras at pera ng mga riders na matinong nagtatrabaho at sumusuong sa panganib ngayong may COVID-19 pandemic .

Sa ilalim din ng panukala, oobligahin ang mga service providers na i-reimburse sa kanilang mga riders o drivers na nag-abono at kinanselahan ng orders.

Kapag hindi ni-reimburse ay pagmumultahin ang mga service providers ng hindi lalampas sa P500,000 at doble ang babayaran re-imbursement sa rider o driver.

Para maiwasan naman ang kanselasyon, dapat mapagpatupad ang service providers ng Know Your Customer (KYC) rules kung saan kukunin dito ang identity ng mga customers at address.

CUSTOMERS

LITO LAPID

ORDERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with