^

Bansa

Marikina mayor pinalalaya ang 10 relief workers na inaresto ng PNP

Philstar.com
Marikina mayor pinalalaya ang 10 relief workers na inaresto ng PNP
Nasa litrato ang 10 inarestong volunteer workers na nag-aabot ng ayuda sa Marikina sa gitna ng enhanced community quarantine (ECQ).
Released/Gabriela Women's Party

MANILA, Philippines — Ipinag-utos ng lokal na pamahalaan ng Marikina na palayaain na 10 volunteer relief workers na inaresto ngayong Biyernes, Labor Day.

Sa isang pahayag, sinabi ni Marikina Mayor Marcy Teodoro na mali ang intindi ng Philippine National Police (PNP) sa mga placards na dalawa nila, sa pag-aakalang nagpro-protesta sila.

"Nag-overreact ‘yung PNP, eh. Hindi dapat inaresto dahil wala namang ginagawang masama yung mga kababayan natin," ani Teodoro sa mga aktibistang nagpapakain ng gutom.

Ayon sa Gabriela Women's Party, volunteers ng Bayanihang Marikenya Marikenyo ang mga inaresto, na nagsasagawa ng community feeding sa Marikina.

Kasama sa mga hinuli ang Lingap Gabriela member na si Dimple Paz, mga guro mula sa Batibot Learning Center na sina Lita Malundras at Nel Artizuela at pitong drivers.

Dagdag ng mayor, mahigpit namang sumusunod sa social distancing ang mga hinuli, alinsunod sa Bayanihan to Heal as One Act.

"Maaring may placards silang dala pero May 1 ngayon, eh, bahagi ito ng pag-e-exercise nitong constitutional rights nila na freedom of expression," dagdag pa ng alkalde.

"Pinapahayag lang nila ang pangangailangan para sa free mass testing. Dahil ‘yung mahihirap ito naman talaga ang hinihingi, eh, ‘yung libreng mass testing para sa ganun alam nila kung positive or negative sila sa COVID-19."

Giit ni Teodoro, walang kasong maisasampa ang PNP laban sa 10, lalo na't nagpaalam naman daw sila sa local government unit na magsasagwa ng relief at humanitarian aid.

Iligal na pag-aresto?

Labis namang tinutulan ng Gabriela Women's Party at Bayanihang Marikenyo at Marikenya (BMM) ang pagkakaaresto sa 10.

Ayon kay Gabriel Rep. Arlene Brosas, mahigit isang buwan na raw namimigay ng tulong sa pamamagitan ng community kitchen ang mga volunteers sa Marikina.

"Kailan pa naging krimen ang pagsasawa ng bayanihan? Imbis na kilalanin ang malaking ambag ng ating mga manggagawa, iligal silang inaresto at pinagbantaang sasampahan ng kaso," ani Brosas.

Saad pa niya, ang pag-aresto sa mga volunteer ay pagpapakita ng panggigipit sa ilalim ni Pangulong Rodrigo Duterte para "sikilin" ang mga kritiko at batayang karapatang pantao.

Wika naman ni Zena Bernardo, co-convenor ng BMM, ika-14 pa lang nang Marso nang magsimula silang magtayo ng mga community kitchens sa Marikina, na nasa 30 na raw ngayon sa 10 baranggay sa lungsod.

"We help these communities prepare hot, healthy meals for their children and elderly," sabi ni Bernardo.

"Tinatawagan namin ang punong-bayan, mga leaders ng [Department of the Interior and Local Government] at [Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases] na ayusin... ang inyong guidelines... huwag kalilimutan ang respeto sa dignidad at karapatan ng kapwa."

PNP papakalawan ba sila o hindi?

Sa panayama ng Philstar.com kay Police Brig. Gen. Bernard Banac, tagapagsalita ng PNP, hinihintay pa raw nila ang ulat mula sa National Capital Region Police Office hinggil sa pagkaka-aresto.

Una nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipinagbabawal ang anumang uri ng mass gatherings, gaya ng mga kilos protesta, habang ipinatutupad ang quarantine measures kontra coronavirus disease (COVID-19)

Kanina lang din nang iklaro ng Palasyo na ipinagbabawal pa rin ang mga pagtitipon gaya ng religious at work gatherings sa ngayon kahit sa mga lugar na sakop ng generalized community quarantine (GCQ), na nagpapatupad nang mas maluwag na porma ng lockdown simula ngayong araw.

Samantala, hinarangan din daw ngayong araw ng 50 pulis at ahente ng gobyerno ang mga guro't miyembro ng ACT for People’s Health, na nakatakdang magbigay sana ng food packs at masks sa mga frontliners sa Visayas Avenue, Quezon City.

Hindi raw nagpakilala ang mga opisyal sa kanila ngunit pinilit kunin ang lisensya ng nagmamaneho. Pinararatangan daw ng nabanggit na nakita ang driver sa San Roque, isang lugar kung saan aktibong kumikilos ang mga militanteng maralitang lungsod.

"The overbearing and adversarial stance and conduct of the government forces in the incident exposes the unwarranted and unnecessary militarist approach of the government to the COVID-19 crisis," sabi ng grupo. — James Relativo at may mga ulat mula kay Kristine Joy Patag

GABRIELA WOMEN'S PARTY-LIST

MARCY TEODORO

MARIKINA

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with