^

Bansa

Whistleblower ng ‘pastillas’ nasa WPP na

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Whistleblower ng ‘pastillas’ nasa WPP na
Maalalang hiniling ng mga mambabatas kahapon na mailagay si Chiong sa WPP kasunod na rin ng pag-amin nitong nakakatanggap siya ng banta sa buhay dahil na rin sa pagbubunyag nito sa pastillas scheme sa BI.
Mong Pintolo/FIle

MANILA, Philippines — Pasok na sa Witness Protection Program (WPP) ng Department of Justice ang whistleblower na si Allison Chiong na nagbunyag ng mga opisyal at tauhan ng Bureau of Immigration na sangkot sa umano’y airport bribery scheme kung saan dawit ang ilang Chinese nationals.

Ayon kay DoJ Sec. Menardo Guevarra, inilagay na ang testigong si Chiong sa provisional WPP.

Pero kailangan pa umanong busisiin ng DoJ ang kanyang mga dokumento para maipasok ito sa full cove­rage ng WPP.

Maalalang hiniling ng mga mambabatas kahapon na mailagay si Chiong sa WPP kasunod na rin ng pag-amin nitong nakakatanggap siya ng banta sa buhay dahil na rin sa pagbubunyag nito sa pastillas scheme sa BI.

Sa pastillas scheme, sinabi ni Chiong na parang nakabalot na pastillas ang perang suhol mula sa mga Chinese nationals na dumarating sa bansa na karamihan ay nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Ope­rator (POGO) hubs sa bansa.

WHISTLEBLOWER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with