Dagdag ‘paid leave’ sa trabaho pasado sa ika-2 pagbasa ng Kamara
MANILA, Philippines — Inaprubahan ng Kamara sa ikalawang pagbabasa, Miyerkules, ang panukalang magdaragdag sa araw ng bayad na pagliban sa trabaho para sa mga manggagawa.
Mula sa limang araw, planong itaas sa sampung araw ang "service incentive leave" ng mga empleyadong nagtrabaho nang hindi bababa sa isang taon, ayon sa House Bill 1338.
House approves on second reading HB 1338, increasing the service incentive leave of employees.
— House of Representatives of the Philippines (@HouseofRepsPH) February 19, 2020
Kung maipapasa, maaayendahan ang Article 95 ng Labor Code na nagtatakda ng nasabing paid leaves:
"Every employee who has rendered at least one yearly service incentive leave of TEN [five] days with pay."
Sa paliwanag ni Baguio Rep. Mark Go, may akda ng HB 1338, hindi kasi obligado ang mga employer na magbigay ng sickness at vacation leaves. "What the Labor Code provides instead are service incentive leaves (SIL)," sabi niya.
"These work incentives are given based on the prerogative of the employers either by express stipulation in the employee’s contract or through collective bargaining agreement."
Paliwanag ng nasabing code, ang mga employer na nagbibigay ng hindi bababa sa limang araw ng vacation leave ay kikilalanin nang sumusunod sa sapilitang pagpapatupad ng SIL.
Dagdag pa ni Go, maliban sa makikinabang dito ang mga empleyado, magtataas din ito ng produktibidad nila dahil iigi ang moral at "satisfaction" ng mga empleyado.
Samantala, hindi naman saklaw ng panukala ang mga establisyamentong karaniwang nag-eempleyo lamang ng hindi tataas sa 10. — Philstar.com intern Gabrielle Ann Gabriel
- Latest