^

Bansa

5 BI officials sibak sa ‘Pastillas’

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
5 BI officials sibak sa ‘Pastillas’
Nabatid na bumuo ng isang fact-finding committee si Immigration Commissioner Jaime Morente na titingin sa sinasabing “pastillas” scheme, kung saan nakarolyo sa mga bond paper ang P10,000 na bayad ng mga Chinese nationals saka ibibigay sa tauhan ng BI at sa mga travel agency ng China at Pilipinas.
Bureau of Immigration FB Page

MANILA, Philippines — Sa gitna ng kontrobersiya sa ‘Pastillas’ sa pagitan ng tauhan ng Bureau of Immigration at Chinese workers sa industriya ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGO), limang opisyal ng BI ang sinibak sa puwesto.

Ayon kay Immigration spokesperson Dana Sandoval, agad na inalis sa puwesto ang mga NAIA terminal heads at hepe ng travel control and enforcement unit. 

Nabatid na bumuo ng isang fact-finding committee si Immigration Commissioner Jaime Morente na titingin sa sinasabing “pastillas” scheme, kung saan nakarolyo sa mga bond paper ang P10,000 na bayad ng mga Chinese nationals saka ibibigay sa tauhan ng BI at sa mga travel agency ng China at Pilipinas. 

Ani Sandoval, may 15 araw ang komite upang mag-imbestiga at magsumite ng ulat. 

Mahaharap sa kasong kriminal at administratibo ang mga opisyal na mapapatunayang guilty.

DANA SANDOVAL

POGO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with