^

Bansa

Nag-early retirement ‘di lusot sa kaso - PNP

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Nag-early retirement ‘di lusot sa kaso - PNP
Sinabi ni PNP spokesman P/Brigadier General Bernard Banac, na ang alok na optional retirement ay maaaring ma-avail ng mga nagkakamaling miyembro ng PNP kapag sila ay umabot na sa mahigit sa 20 taon sa serbisyo at laging nasasangkot sa iligal na gawi subalit hindi pa naman napapatunayan.
Michael Varcas/File

MANILA, Philippines — Makakasuhan pa rin ang mga pulis na nasa drug watchlist ng gobyerno kahit mag-early retirement sila.

Sinabi ni PNP spokesman P/Brigadier General Bernard Banac, na ang alok na optional retirement ay maaaring ma-avail ng mga nagkakamaling miyembro ng PNP kapag sila ay umabot na sa mahigit sa 20 taon sa serbisyo at laging nasasangkot sa iligal na gawi subalit hindi pa naman napapatunayan.

Subalit kapag napatunayan na at may mga ebidensiya laban sa kanila na sangkot sila sa iligal na droga ay maari pa rin silang kasuhan kahit na nag-early retirement.

Giit ni Banac, ang paghahain ng optional retirement ay hindi paraan o dahilan para hindi sila makasuhan.

Paliwanag pa ng opisyal, lahat ng 357 police officers na nasa drug watchlist ay sumasailalim sa confidential adjudication process kabilang na rito si P/Lt. Col. Jovie Espenido na noon ay nanguna sa mga anti-illegal drugs operation laban sa Parojinog clan noong 2017.

Nilinaw ni Banac na magkakaroon ng magkakatulad na validation process kabilang dito ang pagsasailalim sa kanila sa mandatory drug test at polygraph test.

Kapag napatunayan na inosente sila ay aalisin ang pangalan nila sa listahan at kapag may katotohanan ay saka sila kakasuhan.

 

EARLY RETIREMENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with