^

Bansa

Duterte: Kalma lang sa COVID-19

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Duterte: Kalma lang sa COVID-19
Apela pa ni Pangulong Duterte, huwag makinig sa haka-haka na ang layunin ay maghasik lamang ng lalo pang takot at sa halip, makinig lamang sa mga impormasyong inilalabas ng gobyerno at WHO.
KJ Rosales

MANILA, Philippines – Nanawagan si Pangu­long Rodrigo Duterte sa publiko ng kahinahunan sa harap ng nananatili pa ring banta ng COVID-19.

Sa taped video message na inilabas ng Radio Television Malacañang, hinikayat din ng Pangulo ang publiko na maging mapagmatyag habang hiningi rin nito ang pakikipagtulungan sa pamahalaan.

Sinabi ng Pangulo na patuloy ang ginagawang pagtutulungan ng gobyerno, World Health Organization gayundin ng mga nasa pribadong sektor na sama-samang naghahanda sa ano pa mang maaaring mangyari.

Kasabay nito, tiniyak din ni Duterte na hindi magpapabaya ang pamahalaan  at nakahanda nitong iuwi ang ating mga kababayang nananatili sa ilang mga lugar sa China na kasalukuyan pa ring naka-lock down.

Apela pa ni Pangulong Duterte, huwag makinig sa haka-haka na ang layunin ay maghasik lamang ng lalo pang takot at sa halip, makinig lamang sa mga impormasyong inilalabas ng gobyerno at WHO.

Ang kailangan aniya ngayon ay pagkakaisa sa gitna ng nararanasang krisis na ayon sa Pangulo ay tiyak na malalampa­san din.

 

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with