3 BuCor execs sa GCTA sinibak
MANILA, Philippines — Nagpalabas ng dismissal order ang Office of the Ombudsman laban sa tatlong opisyal ng Bureau of Correction kaugnay ng kontrobersyal na Good Conduct Time Allowance (GCTA) for sale scheme sa loob ng National Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa Taguig.
Ang mga sinibak ng Ombudsman sa puwesto ay sina Bucor - Documentations Chief Ramoncito Roque at dalawa pang kapwa opisyal na sina Maria Belinda Bansil at Veronica Buño.
Sa 16 pahinang desisyon na ipinalabas ng anti-graft body, pinasasampahan din ng kasong direct bribery at katiwalian sa Muntinlupa City Regional Trial court ang naturang mga bucor officials dahil sa umano’y panghihingi ng P50,000 sa isang inmate kapalit ng kanyang kalayaan.
- Latest