Bagong Skyway ramp sa SLEX, nakatulong sa traffic decongestion
MANILA, Philippines — Lumuwag ang trapiko sa South Luzon Expressway (SLEX) dahil sa pagbubukas ng Alabang viaduct-Skyway ramp at muling pagbukas ng third at-grade lane nito noong Lunes.
Ayon kay SMC President and CEO Ramon S. Ang; bumilis ang biyahe mula limang oras hanggang tatlo na lamang bunsod ng 180-meter, two-lane ramp at binuksang at-grade lane na nadaraanan ng 5,000 sasakyan kada oras.
Sinabi rin ni Ang na maaari ring buksan ang isa lamang o parehong ang mga lanes ng bagong straktura kung saang panig mabigat ang daloy ng trapiko sa southbound o northbound.Pinaalalahanan naman ang mga motorista na ang Alabang-Zapote On and Off-Ramp na malapit sa Bunye South Station ay isasara mula Lunes hanggang Sabado simula sa Disyembre 9 sa mga sumusunod na oras: Northbound-alas-4:00 ng hapon hanggang alas-9:00 ng gabi; Souhtbound-alas-6:00 ng gabi hanggang alas-8:00 ng umaga.
- Latest