^

Bansa

PNP tutok sa supplier ng droga

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon
PNP tutok sa supplier ng droga
Ayon kay PNP spokesman Col. Bernard Banac, bagama’t walang magbabago sa kampanya laban sa iligal na droga ay mas lalo lamang nila itong paiigtingin kaya inaasahan ngayong buwan ay maraming mababago o pagre-repackage sa estratehiya ng PNP.

MANILA, Philippines — Mas tututukan na ng Philippne National Police (PNP) ang mga malala­king sindikato at supplier ng droga ngayong pagpasok ng Hulyo.

Ayon kay PNP spokesman Col. Bernard Banac, bagama’t walang magbabago sa kampanya laban sa iligal na droga ay mas lalo lamang nila itong paiigtingin kaya inaasahan ngayong buwan ay maraming mababago o pagre-repackage sa estratehiya ng PNP.

Paliwanag ni Banac, sa kabila umano ng kampanya tulad ng Oplan Tokhang at Oplan Double Barrel ay mayroon pa rin mga nagtutulak ng droga.

Kaya tututok umano ngayon ang PNP katulong ang PDEA sa mga supplier para tuluyan nang matigil ang paglaganap ng iligal na droga sa bansa.

Nlinaw naman ni Ba­nac na kaya nila babagu­hin ang package ng ope­rasyon ay hindi dahil may butas dito, kundi dahil kailangan na talagang tutukan ang supply side, monitoring at pagtugis sa mga supplier at malala­king sindikato.

Sa ngayon umano ay patuloy na bumabaha ang droga kaya tututukan na ng PNP ang malala­king supplier at sindikato.

Umaasa si Ba­nac na hindi magiging madugo ang kanilang mga gagawing operasyon tulad ng nangyari sa Oplan Tokhang, subalit kung patuloy umanong may manlalaban sa kanilang mga operasyon ay hindi maiiwasan na dumanak pa rin ang dugo.

ILLEGAL DRUGS

PHILIPPNE NATIONAL POLICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with