^

Bansa

P3.2M isda na ginamitan ng dinamita nasabat

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
P3.2M isda na ginamitan  ng dinamita nasabat
Ang M/V Alejandra ay umalis sa Palawan noong Mayo 19, 2019 na patungo sa Delpan Wharf nang masabat ng PCG at BFAR noong Mayo 20, at ineskortan patungong Delpan Wharf mula sa Cavite.
Photos courtesy of PCG

MANILA, Philippines — Nasabat ng pinagsanib na mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang isang cargo vessel na may sakay na P3.2 milyong isda kabilang ang endangered species na kinuha sa karagatang sakop ng Linapacan, Palawan.

Ang M/V Alejandra ay umalis sa Palawan noong Mayo 19, 2019 na patungo sa Delpan Wharf nang masabat ng PCG at BFAR noong Mayo 20, at ineskortan patungong Delpan Wharf mula sa Cavite.

Sa cooler boxes ng isda, 79 dito ang natukoy na ginamitan ng dinamita habang ang iba ay naglalaman ng mga pating at page (stingrays at sharks) at ang isdang mameng na kabilang umano sa endangered species.

Ilan naman sa cooler box ng isda ay hindi umano kabilang sa iligal na panghuhuli kaya itinurn-over sa consignees habang ang mga ginamitan ng dinamita ay ipinamigay sa charitable institutions upang pakinabangan.

Patuloy pang iniim­bestigahan ang kapitan ng barko at mga crew para matukoy kung sino ang responsable sa pang­huhuli at pagpapabiyahe ng mga kinumpiskang endangered species, na sinasabing ikinukubli sa pamamagitan ng pagtatanggal ng ulo at palikpik upang hindi umano mahalata kung anong klase ng isda.

Hindi naman umano fishing vessel ang naharang kundi cargo vessel.

ENDANGERED SPECIES

PHILIPPINE COAST GUARD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with