Meralco may bawas singil sa Mayo
MANILA, Philippines — Bababa ng mahigit 27 sentimo kada kilowatt hour (kwh) ang singil ng Manila Electric Company (Meralco) ngayong buwan ng Mayo.
Sinabi ng Meralco, dahil sa pagbaba ng singil ng kuryente ng kabuuang P0.2728/kwh ay umaabot na lamang sa P10.2866/kwh ang overall electricity rates ngayong buwan, kumpara sa P10.5594/kwh noong nakaraang buwan.
Ang pagbaba ng singil ay dulot nang malaking bawas sa singil sa generation charge, suplay ng mga kakontratang planta, transmission charge at iba pang mga buwis.
Nangangahulugan na P55 ang bawas singil sa bayarin ng mga tahanang kumukonsumo ng 200kWh kada buwan at P82 naman ang matitipid ng mga nakakagamit ng 300kwh kada buwan.
Mababawasan naman ng P110 ang bayarin ng mga nakakakonsumo ng 400kwh kada buwan habang P136 sa 500kwh kada buwan.
- Latest