Mga nanganak mula Marso 11 pasok sa Expanded Maternity Law
MANILA, Philippines — Ipinaalala kahapon ni Sen. Risa Hontiveros sa lahat ng employed na nanay na nagsilang ng sanggol simula noong Marso 11 ay makakakuha ng lahat ng benepisyo sa ilalim ng Expanded Maternity Leave Law.
Kinumpirma rin ito ni Social Security System (SSS) Benefits Administration Division Vice Pres. Normita Doctor.
Ayon kay Hontiveros maaring makipag-ugnayan ang mga employed na nangangak na nanay simula noong Marso 11 sa kabilang labor departments, women advocates at labor groups upang makuha ang lahat ng impormasyon at tulong kung papaano makukuha ang benepisyo.
Bukod sa mga employed na nanay, ang mga full-time mothers na nagbibigay ng boluntaryong kontribusyon sa Social Security System (SSS) ay makakakuha rin ng benepisyo.
- Latest