^

Bansa

Duterte sa PNPA grads: ‘Wag masilaw sa kapangyarihan at kasikatan’

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Duterte sa PNPA grads: ‘Wag masilaw sa kapangyarihan at kasikatan’
Ginawa ng Pangulo ang mensahe sa graduation rites kahapon ng PNPA sa Silang, Cavite.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Hinamon ni Pangulong Duterte ang 201 bagong graduates ng Philippine National Police Academy (PNPA) at miyembro ng SANSIKLAB Class of 2019 na huwag pasisilaw sa kapangyarihan o kasikatan at magsilbi ng tapat sa sambayanang Pilipino.

Ginawa ng Pangulo ang mensahe sa graduation rites kahapon ng PNPA sa Silang, Cavite.

Sinabihan din ni Duterte ang Sansiklab Class na maging pinakamahusay at magpakitang-gilas sa kanilang papasuking serbisyo.

Ayon sa Pangulo, dapat panindigan ng mga kadete ang kanilang prinsipyo at mabuhay ng may integridad anuman ang magiging kapalit.

Mahalaga anya ang dangal sa pagiging matagumpay.

“Your goal must now be to serve and protect our people and country to the best of your ability. I therefore challenge your class, the “Sansiklab” Class of 2019 to be the greatest version of yourselves. Excel in your chosen pursuits, lend your abilities to all our communities, and stand by your principles at all costs. Never be deceived by power nor by fame. What is important is that you honor, for it is your badge towards genuine success. Again, congratulations on your graduation and I look forward to working with you as we build a safer, more peaceful and more progressive nation for all Filipinos,” ani Pangulong Duterte.

Ang class valedictorian sa PNPA class of 2019 ay pinagkalooban ng house and lot mula sa Camella Homes ni Pangulong Duterte.

PHILIPPINE NATIONAL POLICE ACADEMY

SANSIKLAB CLASS OF 2019

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with