^

Bansa

Makabayan bukas madagdagan ang 9 na i-eendorso sa pagkasenador

James Relativo - Philstar.com
Makabayan bukas madagdagan ang 9 na i-eendorso sa pagkasenador
Kuha ng mga inisyal na in-endorso ng Makabayan Coalition para sa pagkasenador noong Linggo.
Facebook/22 Neri Colmenares For The Win

MANILA, Philippines — Hindi pa isinasara ng militanteng Makabayan Coalition ang kanilang pintuan para sa iba pang tumatakbo para maendorso sa pagkasenador.

Ayon kay Makabayan Coalition vice president Teodoro Casiño, gumugulong pa raw ang ilang proseso pagdating sa ilang kandidato tulad ng mga tumatakbo sa Labor Win Coalition, isang samahan ng mga labor rights advocates.

"The process is still ongoing as far as other candidates are concerned, including those in the Labor Win Coalition. The needs of the electoral campaign dictate that we already announce the names of the initial nine endorsees even as we continue considering other candidates," sabi ni Casiño noong Linggo.

Maliban sa bukod-tangi nilang pambato na si dating Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, pormal nang idineklara ng Makabayan ang kanilang pagsuporta kina Chel Diokno, dating Quezon Rep. Erin Tañada, Sen. Bam Aquino, Samira Gutoc, Florin Hilbay, Sen. Grace Poe, Sen. Nancy Binay at dating Sen. Serge Osmeña kahapon.

"The process is still ongoing, but so far these are the nine candidates that we have gathered consensus on to endorse," ani Casiño Lunes sa ANC "Headstart".

Samantala, binubuo naman ang Labor Win ng mga 'di magkasundong labor groups na nagkaisa para itaguyod ang interes ng mga manggagawa. Ilan sa kanilang agenda ay ang pagtutol sa umiiral na kontraktwalisasyon sa Pilipinas.

Kasama sa mga inendroso ng Labor Win sina Colmenares, Bukluran ng mga Mangagawang Pilipino chairperson Leody de Guzman, Federation of Free Workers president Sonny Matula, labor lawyer Allan Montaño, at National Confederation of Labor head Ernesto Arellano.

'Alternatibo sa administrasyon'

Ayon kay Casiño, na dati ring tumakbo sa pagkasenador sa ilalim ng Makabayan, pagtatangka ito ng kanilang samahan para pagsama-samahin ang mga kandidato na titindig laban sa mga polisiya ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

"Well, that is the objective, that is the long view, that this endorsement can contribute to the building up of a bigger coalition of candidates coming from the opposition and the independents," wika niya.

May walong miyembro ng senatorial lineup ng Otso Diretso, lima sa Labor Win at iba pang independiyenteng tumatakbo.

Kaugnay nito, umaasa pa silang lalong lalaki ang kanilang kaisahan.

"So we hope that this could contribute to the eventual consolidation of all these groups into a strong alternative slate to face off the administration," dagdag ni Casiño.

Ilan sa mga programang isusulong ng Makabayan candidates ay ang sumusunod: 

  • suspensyon/pag-repeal sa excise tax provision ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion Law
  • pagtutol sa charter-change at "makasariling" pagbabago ng Saligang Batas
  • pagsusulong ng kapakanan ng kababaihan, karapatang pantao at "due process" para sa lahat
  • paggiit ng soberanya ng Pilipinas sa West Philippine Sea
  • pagpapatuloy ng usaping pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at National Democratic Front of the Philippines

"These are the five issues where the candidates have common ground and Makabayan has decided to engage with them on these issues," kanyang paliwanag.

Nang tanungin kung huli na ba ang lahat sa pagbubuo ng Makabayan slate, ito naman ang sinabi ni Casiño: "Well, we did start early. It's been a long process. Sabi nga namin eh hindi pa tapos, but somewhere along the way we have to declare. And so we made the decision yesterday to come out with the nine, but the process is still ongoing."

Paliwanag ng Makabayan, dalawang buwan pa naman ang nalalabi bago ang halalan.

Aniya, marami pang maaaring mangyari sa panahong ito.

"It's never too late to unite, it's never too late to try to bring everyone together on the same agenda, especially when faced with an administration that is very overwhelming in terms of resources, in terms of the support that they're getting from government."

Bakit kasama si Poe?

Kinwestyon naman ng ilan ang pag-endorso ng grupo kay Sen. Poe, na kilalang bumoto para sa pagpapatupad ng TRAIN Law.

Isa sa limang "unities" ng Makabayan ay ang pagtutol sa excise tax na ipinapataw ng TRAIN sa langis, na dahilan sa pagsirit ng presyo ng krudo.

Gayunpaman, sinabi ni Casiño na nagbago na ang pananaw ng senadora sa batas.

"And as far as these five issues are concerned, for example on the TRAIN Law, definitely she voted for the TRAIN Law. But now her position is that the excise tax provision should be suspended if not repealed. And for her to shift to that position is a consideration of course," sabi niya.

Dati nang tumakbo si Colmenares sa pagkasenador sa ilalim ng Partido Galing at Puso nang tumakbo sa pagkapresidente si Poe noong 2016.

Aminado naman si Casiño na sana'y naging mas bukas si Poe sa pagtutol sa mga diumano'y kwestyonableng polisiya ng administrasyon.

Villar, Pimentel 'di kasali

Kapansin-pansin naman na inilaglag ng Makabayan ang dalawang reelectionist na dati nilang inendorso, sina Sen. Cynthia Villar at Sen. Aquilino "Koko" Pimentel III.

Paliwanag niya, ginawa ito dahil sa pag-anib ng dalawa sa administrasyon at pagsuporta sa pangulo.

Sinusuportahan ng Hugpong ng Pagbabago at PDP-Laban sina Villar at Pimentel. Tumakbo noong 2016 si Duterte sa ilalim ng PDP-Laban.

"Well, both candidates are definitely part of the administration slate. They have come out very strongly in support of [the] president, not only legislative agenda but policies... which we do not agree on," ani Casiño.

"So ganun 'yun eh. Maaring in the past you had very good positions, we agreed on several issues, but under the new administration magkaiba na tayo. And these things happen in politics. So there are always shifting alliances."

Nasasayangan naman daw ang Makabayan na hindi nila nakatrabaho nang husto ang dalawang senador.

Aniya, tila mas importante para kina Villar at Pimentel ang pakikipag-alyasa sa pangulo.

"At the time, we certainly had more basis of unity to support them, and there's no regret there. It's just regrettable that under the new administration, they decided that that was more important, their alliance with Duterte was more important than their previous positions that they shared with us."

2019 MIDTERM ELECTIONS

MAKABAYAN COALITION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with