^

Bansa

Probe sa 'flood control scam' tuloy kahit wala si Diokno

Philstar.com
Probe sa 'flood control scam' tuloy kahit wala si Diokno
Kinwestyon kung bakit wala ni isang sentimong makukuha ang munisipalidad ng Matnog matapos bahain ng bagyong Usman.

MANILA, Philippines — Magpapatuloy ang imbestigasyon ng House of Representatives rules committee sa bilyong pisong flood control projects ng gobyerno kahit na nasa Amerika si Budget Sec. Benjamin Diokno.

Gusto raw kasing malaman ng mga mambabatas kung bakit "zero" ang nakuhang pondo ng nabahang bayan ng Matnog para sa 2019 kahit na P10-bilyon ang inilaan para sa probinsya ng Sorsogon noong 2018.

Matatandaang isa sa pinakamatinding napinsala ng Tropical Depression Usman ang rehiyon ng Bikol noong nakaraang linggo. 

"This recent discovery will be among the issues that the House rules committee will tackle when we conduct the public hearing in Naga City," ayon kay House Majority Leader Rolando Andaya Jr., na namumuno sa imbestigasyon kasama ang public accounts committee ni House Minority leader Danilo Suarez.

(Itong natuklasan natin, kasama 'yan sa mga tatalakayin ng House rules committee kapag nagsagawa kami ng pagdinig sa Naga)

Nangako si Andaya na isisiwalat ang mga "insertions" na ginawa ng Department of Budget and Management (DBM) sa annual outlay.

"We will proceed with the probe despite his absence. It's his loss, not ours (Ipagpapatuloy namin ang probe kahit na wala siya. Sa kanya ang kawalan, hindi sa amin)," sabi ni Andaya tungkol ay Diokno.

Magsasagawa ng pagdinig sa Avenue Plaza Hotel para isalang ang mga "kahina-hinalang" budget practices ng DBM matapos magpasok ng P75-milyong flood control projects.

Napansin ni Andaya, isang mambabatas mula Camarines Sur, na lumobo sa P133-bilyon ang pera para sa pag-aapula ng baha mula sa P79 bilon noong 2017.

Tinanong din ni Andaya kung bakit naging P544.5-bilyon ang pondo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa 2019 gayong P488-bilyon lang ang naunang inilaan dito – mas mataas ng P56.5-bilyo.

“Marami sa mga flood control projects ang hindi isinama sa orihinal na P488-bilyong budget ng DPWH. Isinama sila ng DBM, kaya naman naging P544.5-bilyon ang pondo ng DPWH," ayon kay Andaya.

Dagdag niya, tumaas ng P2.2-bilyon ang "flood related" projects sa Kabikulan.

Sasamahan si Andaya nina Suarez, senior House deputy majority lead at 1SAGIP party-list Rep. Rodante Marcoleta, COOP NATCCO party-list Rep. Anthony Bravo, at Ako Bicol party-list Rep. Alfredo Gabin Jr. sa pagdinig. 

Ipinagtataka rin ngayon ni Andaya kung bakit pinakamalaki ang nakuhang pondo ng Casiguran pagdating sa flood control projects sa 2019 na papalo sa P325-milyon.

Kamag-anak ni Diokno ang alkalde ng naturang lugar na si Edwin Hamor dahil sa asawang si Sorsogon Vice Gov. Esther Hamor. 

"What is really the basis of allocating public funds for flood control projects? Is it really climate change or affinity to the DBM secretary (Ano ba ang batayan ng paggugugol ng pondo para sa baha? Climate-change o pagiging magkapamilya)?" sabi ni Andaya.

Kasalukuyang binabaha ang 19 lugar sa Matnog, Sorsogon. 

Pinagpapaliwanag ngayon ni Andaya ang mga opisyal ng DPWH-Region 5, kasama ng contractor, tungkol sa tinawag niyang "flood control scam."

BENJAMIN DIOKNO

DBM

FLOOD CONTROL BUDGET

MATNOG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with