^

Bansa

Anak ni Faeldon nakalaya na

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Anak ni Faeldon nakalaya na
Nabatid na nadismis ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 (maintenance of drug den) na isinampa ng mga awtoridad laban kay Nicanor Faeldon Jr.

MANILA, Philippines — Mistulang regalo nga­yong Pasko ang natanggap ni Bureau of Corrections (BuCor) Director Nicanor Faeldon Sr. matapos palayain ang kanyang anak na nasangkot sa droga kamakailan.

Nabatid na nadismis ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 (maintenance of drug den) na isinampa ng mga awtoridad laban kay Nicanor Faeldon Jr.

Ibinasura ng piskalya ang nabanggit na kaso dahil umano sa kakakulangan ng ebidensiya.

Bukod kay Faeldon, nakalaya na rin sina Allan Valdez at Manuel Nebres na kasama sa mga nahuli sa nasabing operasyon.

Nitong Disyembre 14 ay nakasama sa nadakip ang nakababatang Faeldon sa ginawang search operation sa tinutuluyan nitong bahay sa Brgy. Mabolo, Naga City na umano’y drug den na pag-aari ni Russele “Bubbles” Lanuzo, ama ng girlfriend nito na siyang subject sa operasyon.

Una rito ay nagnegatibo sa drug test si Nicanor Jr., ngunit nagpositibo naman ang subject na si Bubbles na sa ngayon ay nananatili sa kustodiya ng Naga City Police Office (NCPO) habang hinaharap ang kasong may kaugnayan sa droga.

NICANOR FAELDON JR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with