Xi Jinping bibisita sa Pinas
MANILA, Philippines — Siniguro ni Chinese President Xi Jinping na bibisita ito sa Manila sa darating na Nobyembre pagkatapos ng pagdalo sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) na gaganapin sa Papua New Guinea.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, ito ang unang pagkakataong bibisita si Xi mula ng huli itong nagpunta sa Pilipinas noong 2015 nang dumalo sa APEC Summit sa Manila.
Wala pa namang karagdagang detalye ng nasabing nakatakdang pagbisita ni Xi sa Pilipinas ngayong taon.
Nagkaroon ng bilateral meeting sina Pangulong Duterte at Xi kamakalawa ng gabi sa Hainan, China kung saan nilagdaan ang anim na kasunduan tungo sa pagpapalakas pa ng relasyon ng dalawang bansa.
Samantala, si Pangulong Duterte ay nasa Hong Kong na kasama si Mayor Sara at apo nitong si Stingray.
Napag-alamang namasyal si Pangulong Duterte kasama ang anak at apo sa HK Disneyland.
Mamayang gabi (Huwebes) bandang alas-7:00 ng gabi ay makikipagkita si Pangulong Duterte sa mga OFW sa Hong Kong bago ito uuwi pabalik ng Pilipinas. Madaling araw ng Biyernes, ?Abril 13 inaasahang darating si Pangulong Duterte sa Davao City.
- Latest