^

Bansa

Paglipat ni Napoles sa WPP ibinasura

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ibinasura ng Sandiganbayan 1st division ang mosyon ni Janet Lim-Napoles na humihiling para ilipat siya sa kustodiya ng Witness Protection Program  ng (WPP) ng Department of Justice (DoJ) sa dahilang provisionally admitted na siya sa WPP.

Sa resolusyon ng anti-graft court, iginiit niya na walang merito ang urgent motion for transfee of custody ni Napoles.

Ayon sa Korte, si Napoles ay nakapiit ngayon sa Bagong Diwa sa Taguig sa ilalim ng pangangasiwa ng Bureau of Jail Manage­ment and Peno­logy (BJMP) dahil sa legal cause.

Ito ay dahil naibasura na noon pa ng korte ang petition for bail ni Napoles dahil napatunayang mabigat ang mga ebidensiya laban dito.

Kung pagbibigyan umano nila ang hiling nito na mailipat ng kustodiya sa WPP ay lalabag ito sa mismong itinatakda ng batas ng WPP.

Bukod sa first division, si Napoles ay may mga kaso ring plunder sa third at fifth division ng Sandiganbayan kaugnay ng pork barrel scam.

JANET LIM-NAPOLES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with