6-buwan moratorium sa Boracay
MANILA, Philippines — Suportado ni Senator Nancy Binay ang anim na buwang moratorium sa konstruksiyon ng anumang uri ng gusali sa Boracay.
Ayon kay Binay, maaaring ipatupad ang moratorium sa mas mahabang panahon hangga’t hindi natatapos ang pagsasaayos sa isla.
Nakatakdang magtungo bukas (Biyernes) sa isla ng Boracay ang ilang senador upang tingnan ang kondisyon ng isla na nais ni Pangulong Duterte na isara kung hindi maayos ang problemang pangkalikasan dito.
Sinabi ni Binay na inaasahan nila na makikita sa gagawing imbestigasyon at ocular inspection ang totoong problema ng isla na dinarayo ng maraming turista.
Pangungunahan ng Senate committee on Environment and Natural Resources na pinamumunuan ni Sen. Cynthia Villar ang gagawing imbestigasyon.
Related video:
- Latest